KathNiel, DonBelle tuloy-tuloy ang swerte sa 2023; Master Hanz may payo kina Vice at Coco para makaiwas sa 'malas' | Bandera

KathNiel, DonBelle tuloy-tuloy ang swerte sa 2023; Master Hanz may payo kina Vice at Coco para makaiwas sa ‘malas’

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 08:03 AM

KathNiel, DonBelle tuloy-tuloy ang swerte sa 2023; Master Hanz may payo kina Vice at Coco para makaiwas sa 'malas'

Donny Pangilinan, Belle Mariano, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

PATULOY nga bang susuwertehin sa pagpasok ng 2023 ang reel and real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

E, ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano kaya — magtutuluy-tuloy pa rin ba hanggang sa Year of the Water Rabbit ang kanilang tagumpay bilang phenomenal loveteam ng ABS-CBN?

Well, yan nga ang sinagot ng feng shui expert na si Master Hanz Cua nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” nitong nagdaang Lunes.

Nagbahagi siya ng kanyang fearless forecast sa ilang Kapamilya stars para sa Bagong Taon at una nga riyan ang award-winning actress na si Kathryn na ipinanganak sa Year of the Fire Rat.

Sabi ni Master Hanz, marami pang negosyong papasukin si Kathryn at posible ring magkaroon ang aktres ng isa pang bahay, mga sasakyan at sunud-sunod na projects this year.

Para naman kay Daniel na ipinanganak sa Year of the Wood Pig, nababasa ng feng shui expert na may mga taong magbibigay ng bonggang trabaho sa binata ngayong 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Ang mas magandang opportunities na tinatawag natin kay Rat. Si Rat mas maganda siya na siya ay maging agresibo.

“Si Pig ngayong taon na ito mas maganda na siya ang nakikinig at naghihintay. Kapag may opportunity ay i-grab niya para mas maging maganda ang tandem nilang dalawa,” pahayag pa ni Hanz patungkol sa KathNiel.

Hinulaan din niya ang magiging kapalaran ni Vice Ganda na isinilang sa Year of the Fire Dragon. Aniya, magtutuluy-tuloy ang swerte ng TV host-comedian.

Pero may babala si Hanz sa lahat ng mga nasa ilalin ng sign na Fire Dragon — huwag daw paiiralin ang unit ng ulo sa kahit anong bagay para makaiwas sa gulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Para naman kina Donny at Belle, patuloy ang pagdating ng swerte sa magka-loveteam ngayong taon. Sey ni Master Hanz, maganda ang combination ng Tiger at Horse.

Pinayuhan naman ng feng shui expert si Coco Martin na ipinanganak sa Year of the Rooster na kalaban ng Year of The Rabbit, na mas dagdagan pa ang effort sa pagse-share ng blessings sa ibang tao. Pero aniya, nasa “chart” na ng aktor ang patuloy na tagumpay nito.

Hinulaan din ni Master Hanz ang tatlong hosts ng “Magandang Buhay”. Para kay Regine Velasquez na ipinanganak sa Year of the Metal Dog, pak na pak pa rin ang 2023 sa kanyang career at personal life.

Tuloy-tuloy pa rin ang swerte sa mga isinilang under the Year of the Earth Horse tulad ni Jolina Magdangal dahil nasa kamay nito ang money star.

At para naman kay Melai Cantiveros na isinilang sa Year of the Dragon, swerte raw siya ngayong 2023 sa negosyo na may kinalaman sa pagkain pati na rin sa vlogging.

Pampaswerte sa 2023: pink underwear sa mga gustong magkadyowa, blue na damit at alahas para sa buhay at negosyo

Korina napa-throwback noong magbalik sa pag-aaral: Akala ng classmates ko pagpasok ko ng classroom ako ang teacher

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beatrice Gomez naghahanda na para sa pagpasok sa showbiz; tutuparin din ang pangarap na Master’s degree

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending