Fans ni Bea Alonzo niresbakan si Lolit Solis; Vhong Navarro solid kapamilya pa rin | Bandera

Fans ni Bea Alonzo niresbakan si Lolit Solis; Vhong Navarro solid kapamilya pa rin

Alex Brosas |March 25,2022
facebook
share this

Fans ni Bea Alonzo niresbakan si Lolit Solis; Vhong Navarro solid kapamilya pa rin

Alex Brosas - March 25, 2022 - 09:04 AM

Fans ni Bea Alonzo niresbakan si Lolit Solis; Vhong Navarro solid kapamilya pa rin

TO the rescue ang fans ni Bea Alonzo sa patutsada ni Aling Lolit Solis sa aktres.

Sa kanyang Instagram page, parang isang batang inagawan ng kendi nsi Aling Lolit sa pagre-report sa followers niya na ipinatanggal daw ni Bea at ng manager nitong si Shirley Kuan ang name niya sa list of invitees sa presscon ng isang brand for Bea sa Friday sa Luxent Hotel.

“Wow ! Talbog niya lahat, puwede siya mamili ng writers na invited sa presscon na hindi naman siya ang magbabayad ng kakainin, at sana nga makuha niya na tumaas ang dati ng mataas na sale ng Beautederm.

“Ewan ko kung may maitutulong pa ang may edad na at hindi naman gaano kalakas na endorser na tulad ni Bea Alonzo. At lalo pa siyang madaragdagan ng wrinkles dahil sa stress niya na dapat hindi invited sa mga presscon niya ang mga writers na ayaw niya. Bad iyon may itinatago kang stress, bawas ganda iyon, dapat iwasan ni Bea Alonzo.

“Sana mapatunayan niya na better siya kesa kay Julia Barretto para hindi siya na ghosting ni Gerald Anderson. At sana masagot ang naraming SANA sa buhay niya para maging Beautederm siya forever. Bongga.”

‘Yan ang mga hanash ni Alng Lolit sa IG post niya, bagay na pinatulan ng fans ni Bea.

Ang feeling ng supporters ng aktres, bitter lang si Aling Lolit dahil hindi siya naimbitahan sa pa-presscon for Bea. To spite her, tila pinagsabong pa niya ito sa current girlfriend ni Gerald na nsi Julia Barretto.

“Its not who is better or best, but who is the manunulot and manloloko. Huwag kang makipagrelasyon kung madali kang mabulag sa kagandahan or kabataan ng iba. Alalahanin mo naman ung feeling ng taong minahal ka at minsan din mo ring minahal. Lolit bitter much.”

“Lolit, matanda na tayo dapat lagi na tayong nagdarasal at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan natin bago tayo mawala sa mundo.Hindi ka na dapat naninira ng kapwa mo.”

“Bitter pa rin xa at hindi pa rin maka-move on sa pagpapaalis ni bea at manager nito ng name nya sa list ng invited. Kasalanan nyo rin nman kc kung bakit inaayawan kayo eh. Pera na naging bato pa no?”

“Ang bitter ni lola dahil di nakasama sa press conference eh senior ka na for safety reasons na rin sguro aminin mo na mga pauwi at pasabuy ang habol mo kaya masama ang loob mo nandadamay ka pa ng ibang tao.”

“No comparison at all…Bea is a best actress and with good moral ..and she she smart comparing to Julia…Bea proven her talent already …They are both beautiful…Julia is just younger. .So don’t be bitter Lolit Solis.”

 

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

* * *

Tuwang-tuwa ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro dahil na-renew ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account ipinadaan ni Vhong ang kanyang pasasalamat sa network at sa mga executives nito. He posted photos during the contract signing kung saan kasama niya sina JC de Vera at Ogie Alcasid sa pag-renew ng kanyang kontrata.

“Maraming salamat po, Lord sa patuloy ninyong pagbibigay ng blessing po sa akin. Maraming pinagdaanan po ang ABS-CBN pero hindi ako pinabayaan, patuloy na minahal at sinuportahan. Kaya patuloy kong ibibigay ang best ko para marami pa tayong mapasaya at matulungan. Salamat nang marami mga Boss! Kapamilya forever!
“Congratulations din sa kapwa ko heartthrobs Kuys Ogie at JC!”

‘Yan ang caption ni Vhong sa kanyang IG photos.

Ang daming nag-react na Kapamilya stars at isa na rito ang It’s Showtime co-host ni Vhong na si Amy Perez who said, “Congratulations @vhongx44 very proud of you! Good job!”

“Congratulations, Vhonggacious!!!” say ni Nikki Valdez.

“Congratulations Sir @vhongx44,” say naman ni Jhong Hilario.

Maging ang dating Kapamilya na si Kim Atienza ay nag-react and said, “Sabi ko na nga ba ikaw ang papalit sa akin diyan eh. hehehe nice hat. Love you inaanak.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson
Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending