Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad | Bandera

Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad

Reggee Bonoan |November 26,2021
facebook
share this

Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad

Reggee Bonoan - November 26, 2021 - 06:43 PM

KASALUKUYANG pinagpi-piyestahan sa social media ang sexy photos ni Bea Alonzo dahil sa page-endorso nito ng inuming panglalaki.

May mga natuwa dahil nagandahan sila sa dalaga, pero marami rin kaming narinig, “sa estado ni Bea ngayon, hindi na niya dapat tinanggap iyon.”

Masarap makinig sa mga ganitong usapan, kaya ang hirit namin, ‘Paano kung malaki ang bayad?’ na real talk tayo. Hindi naman siguro ito tatanggapin ng aktres kung walang kapantay itong kabayaran dahil malaki ang maitutulong niya sa kumpanya ng nasabing inumin.

Ipinagtanggol naman ni ‘Nay Cristy Fermin ang aktres.

Base sa pahayag nito sa November 25 episode ng Cristy Ferminute host kasama si Romel Chika.

“Huy, si Bea Alonzo nakakaawa naman sinisigawan at saka talagang pinuputakte ng mga pamimintas ng… sino ba matatawag natin diyan, hindi lang mga Marites (tsismosa) ‘to, mga trolls to’ no?” bungad ng online host.

Sagot naman ni Romel, “Oo mga bashers ‘to ‘nay kasi in fairness naman talagang sinuri ko mga post niya at nagbasa ako ng mga comment, nahati ang mga tao, mayro’n may pabor at mayro’n naman talagang kontrabida sa pagtanggap ni Bea sa kanyang commercial na ‘yan, sobrang panglalait.”

“Ang mga pabor po kay Bea ay totoo naman po ang sinasabi na sa lahat ng mga modelo na kinuha po nitong kumpanya ng inuming nakahihilo at nakalalasing, si Bea po ang pinakamalaking pangalan at wala ng iba pang lalaki umpisahan po natin doon sa number one hanggang sa dulu-duluhan, pinakamalaking pangalan na po si Bea Alonzo.

“Ang sabi naman po ng kanyang mga bashers kung kailan daw po siya tumanda at saka siya nag burles!,” kuwento ni ‘nay Cristy.

Natawa si Romel, “grabe naman ‘yung burles.”

Sa pagpapatuloy pa ng CFM host, “at saka sabi laylay ang balat? Wala akong nakitang nakalaylay na balat, wala po talaga (sabay muwestra).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Hindi po talaga nakita ‘yung idinidiin ng mga bashers na ‘laylay na ang balat sa bandang kili-kili. Tiningnan ko talaga lahat, wala! Walang ganu’n at saka ano po hindi naman po siya nag burles sa totoo lang, hindi po siya nag hubo’t hubad. Wala po, hayan nakikita naman po natin (pinapakita ang video ng aktres) may takip ang kanyang katawan at kumikilos siya sa naayon na hinihingi ng komunidad na Plipino.”

“Totoo po, ang lahat po ng nakikita natin ay suotin ng mga babaing nagpupunta sa beach. ‘Yun po ang peg ng kanyang pictorial,” diin naman ni Romel.

Hirit ni ‘nay Cristy, “aba’y alangan namang mag-gown si Bea bilang modelo nu’ng inuming nakahihilo at nakalalasing. Alangan namang nakamagandang bestido. Hindi po, siyempre ilalagay naman natin sa tamang lugar ‘yung isinusuot. Ang ganda-ganda niya. Puro paninira lang po ‘yung ibinabato sa kanya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Idinagdag pa ni Romel Chika na may offer na kay Bea noong nasa 20’s palang ang aktres pero hindi niya tinanggap dahil hindi pa ito handa at sa muling alok ay tinanggap na niya ito.

“Pero ngayon ibinalik sa kanya, perfect timing siya sabi nu’ng team nu’ng inuming nakakataranta na ngayon niya tinanggap kasi napapanahon at reding-ready na siya kaya esaktong-esakto,” nakangiting tsika ni Romel.

Related Chika:
Bea pak na pak sa pagiging calendar girl

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending