Bea pak na pak sa pagiging calendar girl | Bandera

Bea pak na pak sa pagiging calendar girl

Therese Arceo |November 24,2021
facebook
share this

Bea pak na pak sa pagiging calendar girl

Therese Arceo - November 24, 2021 - 01:44 PM

Bea pak na pak sa pagiging calendar girl

NAKAKABIGHANI ang ganda ng Kapuso star na si Bea Alonzo na itinanghal bilang pinakabagong calendar girl ng Tanduay, isa sa mga nangungunang rhum manufacturers sa bansa.

Sigurado namang napa-wow ang madlang pipol matapos ilabas ang kanyang one-minute video na “The Perfect Match” bilang pormal na pagpapakilala bilang “newest face” ng nasabing brand ng rhum nitong Martes, Nobyembre 23.

Napakaelegante at classy ng dating ni Bea sa kanyang peach backless dress at pink see-through corset outfits.

Sexy, fierce at sophisticated naman ang vibe niya habang suot ang kanyang purple metallic bikini top habang nakahiga sa tila bath tub.

Ayon kay Bea, ito na raw ang pangalawang pagkakataon na nag-reach out sa kanya ang naturang brand para maging calendar girl.

At sa pangalawang pagkakataon nga ay tiwala na ang aktres sa sarili na handa na siyang gawin ang proyekto.

Ilan sa mga preparasyon na ginawa ni Bea para sa pagiging calendar girl ay ang pagwo-work out at pagkakaroon ng healthy diet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Marami naman sa mga netizens ang napahanga at hindi napigilan na magbigay komento sa kagandahan at kaseksihan ng aktres.

“Congratulations Bea! Very beautiful! Perfect match talaga!”

“Hello. Ako nga pala ‘yung sinayang mo.”

“ohjivaaaa fresh and blooming si Bea girl.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The calendar girl na hindi bastusin tingnan pero simply beautiful and sexy.”

Bukod kay Bea, ilan pa sa mga naging calendar girls ng nasabing brand ay sina Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Bela Padilla, Heart Evangelista, Erich Gonzales, at Barbie Imperial.

Related Chika:
Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending