Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit | Bandera

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

Therese Arceo |August 10,2022
facebook
share this

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

Therese Arceo - August 10, 2022 - 03:05 PM

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit
MULI na namang binanatan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account ay muli na naman niyang naisulat ang kanyang opinyon ukol sa pagtatambal ng aktres at ng Kapuso hearthrob na si Alden Richards.

Nito kasing Hulyo ay ipinasilip na ng GMA Network ang ilan sa mga behind the scenes ng kaabang-abang na Philippine adaptation ng sikat na sikat na Korean series.

Ani Manay Lolit, naloka raw siya nang malaman na nag-react ang ilang Korean audience nang makita ang Philippine version ng “Start Up” na pinagbibidahan nga nina Bea at Alden kasama nina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

“Hindi kaya nakita ng Korea na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo ?” simula ni Manay Lolit.

Aniya, dapat daw ay mas mukhang bata ang maging kapareha ni Alden.

“Siguro nga dapat mas mukhang bata ang partner ni Alden Richards, hindi gaya ni Bea Alonzo dapat ang partner ni Alden,” sey pa ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, hindi na raw magmumukhang younger looking ang aktres.

“Kahit kapal make up, palitada face, ang wrinkles nanduon na noh ! Lucky Alden , kahit mukhang lola na si Bea ok lang,” sey pa ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, “Tutal make believe lang naman, ilusyon na lang ang lahat, parang magic, hah hah hah, Alden Richards and Tita Bea Alonzo, Start Up po.”

Mukhang hindi na kailanman matatapos ang pang-ookray ng kolumnista laban sa dating Kapamilya star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ito ay nagsimula nang mapag-alaman ni Manay Lolit na ipinatanggal diumano ni Bea at ng kanyang manager ang pangalan ng kolumnista sa listahan ng mga inimbitahang taga-media mula sa presscon nito sa isang beauty endorsement.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas ngunit mukhang matindi ang kanyang hinanakit rmula sa aktres kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nito tinitigilan si Bea.

Related Chika:
Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang ‘sweet and sour old lady’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending