Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang 'sweet and sour old lady' | Bandera

Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang ‘sweet and sour old lady’

Therese Arceo |June 25,2022
facebook
share this

Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang ‘sweet and sour old lady’

Therese Arceo - June 25, 2022 - 12:31 PM

Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang 'sweet and sour old lady'
MULI na namang binanatan ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account ay muli na namang bumida ang aktres at ngayon naman ay ikinumpara sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Nagtataka ako Salve kung bakit 2 na anak ni Marian Rivera, pero parang mas mukhang nanay si Bea Alonzo,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, ang dahilan kaya kung bakit mas batang tignan si Marian ay marahil sa pag-aalaga ng isang brand sa kanya kasi mas effective itong endorser kesa sa aktres.

“Saka bakit ganuon, nag breast feed pa si Marian pero sabi ni Leo Espinosa parang ang mukhang mas lawlaw ang boobs si Bea Alonzo,” pagpapatuloy nito.

Palaisipan rin kay Manay Lolit kung bakit “mukhang losyang” na raw ang dating Kapamilya star.

Sey niya, “Dahil kaya masyado siyang power tripper at iyon bitterness niya sa buhay apektado ang physical looks niya kaya ganuon. Dahil siyempre wala siyang Dingdong Dantes at dalawang magandang anak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Baka rin daw may “jealousy” itong nararamdaman may Marian kaya raw tila negatibo ang aura ni Bea.

Sinundan naman ito ng muling pagbabalik ni Manay Lolit sa dati nilang isyu kung saan diumano’y ipinatanggal siya sa mga listahan ng mga aattend sa kanyang presscon para sa isang brand.

“Nuon kasi na hindi pa alam ng tao na may ugali pala mamili at magpa cancel ni Bea ng mga writers na ayaw niya, tingin mo sa kanya parang anghel na ang ganda at very sweet.

“Nagkaruon lang ng panahon pag aralan mabuti ang tunay na ugali niya ng hayun, namimili na siya ng invited guest, at power tripping na inaalis sa listahan pati mga invited ng producer,” kuwento ni Manay Lolit.

Dito nga raw nakita ang “dark side” ni Bea kaya nabawasan na ang ganda nito sa kanyang paningin.

Ikinumpara pa nga niya ang bagong Kapuso star sa isa ring Kapuso na si Bea Binene.

“Ngayon bawas ganda na siya kaya nakikita mo na mga wrinkles pati ang push up breast. Hah hah, kaya enjoy si Gorgy at Salve na kay Bea Binene na lang humanga dahil legitimate young star na tunay na sweet, hindi tulad ni Bea Alonzo na sweet and sour old lady,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis panay ang pagpo-post ng litrato ni Julia sa socmed pero dinededma lang daw ng anak?

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending