Dennis panay ang pagpo-post ng litrato ni Julia sa socmed pero dinededma lang daw ng anak? | Bandera

Dennis panay ang pagpo-post ng litrato ni Julia sa socmed pero dinededma lang daw ng anak?

Therese Arceo |March 15,2022
facebook
share this

Dennis panay ang pagpo-post ng litrato ni Julia sa socmed pero dinededma lang daw ng anak?

Therese Arceo - March 15, 2022 - 08:05 PM

Dennis panay ang pagpo-post ng litrato ni Julia sa socmed pero dinededma lang daw ng anak?

MULI na namang nag-post ng throwback photos ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla kasama ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Kapansin-pansin ang sunod-sunod na pagbabahagi ng aktor ng larawan ng dalaga bago pa man ang birthday nito na ginanap noong March 10.

Naunang mag-post si Dennis ng mga larawan ng anak noong March 8 kasabay ng kanyang advance birthday greeting kay Julia.

Two days ago ay may post ulit ang komedyante ng larawan nina Julia at Claudia na may caption na “Dear juy and claui, love you both… God bless you more!!”

Nag-comment naman dito sina Ana Roces at Ruffa Gutierrez.

Kahapon ay nag-post ulit si Dennis ng throwback picture nila na may caption na “This picture of Julia… Have been to a lot of wallets… Missing our baby duduy.”

At kanina nga ay muli na naman itong nag-post ng video at photo collage nilang dalawa na may caption na “Late bday poster… Julia Francesca Barretto Baldivia 25”.

Sa kabila ng napakaraming post ni Dennis ay napansin pa rin ng mga mapanuring netizens na tila wapakels si Julia sa mga posts ng ama.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)


Wala kasi itong comment o like man lang sa mga posts ng ama.

Marami tuloy sa madlang pipol ang naaawa kay Dennis dahil tila hangin lang siya sa dalaga.

Comment ng isang netizen, “Julia appreciate mo naman ginagawa ng dad mo. Ang sarap kaya sa feeling ng ganon. Sana ma-feel mo rin kasi ang swerte mo.

“Kawawa naman tong ama na to. Flex ka nang flex ng pictures ng mga anak mo wala naman silang pake. I feel sorry for you Mr. Dennis,” saad naman ng isa pa.

Pero kung may nagagalit kay Julia ay mayroon namang dumidepensa sa aktres.

“Di porket walang heart o comment, di na sila okay. Malay natin in private nag-uusao sila mag-ama,” pagtatanggol ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “I think ok naman sila. Di ba meron sila mga videos at pics last year.. at may news na ok na sila at nag-catch uo ba slowly.. siguro di lang si Juls maano sa social media sa father niya dahil naba-bash lang din naman siya.”

Matatandaang nitong nakaraang taon ay mapabalita na nagkaayos nang muli ang dalawa matapos tamaan ng COVID-19 si Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Julia ay isa sa tatlong anak ng actor-comedian kay Marjorie Barretto.

Related Chika:
Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya
Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending