Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta | Bandera

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Therese Arceo |November 17,2021
facebook
share this

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Therese Arceo - November 17, 2021 - 05:39 PM

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

MULI na namang gumagawa ng ingay ang social media personality at ang tinaguriang lalaking “Marites” na si Xian Gaza.

Kagabi, Nobyembre 16, marami sa mga “Mosang” at “Marites” ang hindi pinatulog ng social media personality matapos siyang maglabas ng blind item patungkol sa sikat na influencer na nahuli ng dyowa na may kayakap na Star Magic artist sa loob ng kwarto ng isang sikat na hotel sa Parañaque.

Marami tuloy ang na-curious kung sino ang mga personalidad sa likod ng blind item na ito ni Xian Gaza.

Ang ilan ay nagsasabing ang bagong hiwalay na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao ang nasa blind item at ang malapit nilang kaibigan na si Christine Samson ang umanoy itinuturong kayakap.

Mayroon ring nagsasabi na ito raw ay ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake at ang partner nitong si Skusta Clee mula sa grupong Ex Battallion.

Ngunit ilang oras lang ang nakalipas nang muling mag-post si Xian Gaza. Aniya, “Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial.”

Mas lalo tuloy nalito ang mga netizens sa pag-decode ng blind item dahil tila clue ang pagkaka-tag nito kay Barbie Imperial na isang Star Magic artist.

Ibinahagi rin ni Xian Gaza ang isang article mula sa isang entertainment site patungkol kina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sabay sabing, “How sweet naman… Very strong relationship.”

Mukha namang nakarating na ang chika kay Diego base na rin sa Instagram post nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

“Don’t get caught up in all that noise. Its just a noise. My baby gurl and I are chillin. So sit back, relax, enjoy life,” saad nito kalakip ang litrato nila ni Barbie sa swimming pool.

Ngunit umariba na naman si Xian Gaza at nag-post muli sa kanyang Facebook page.

This time, may mga panibagong karakter na naman ang nadagdag sa istorya na nagpagulo lalo sa pagde-decode ng mga “Marites” sa blind item.

“Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang,” saad ni Xian,

“Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?” dagdag pa ni Xian Gaza.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Diego sa tanong ng social media personality.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit sa paglaki ngayon ng issue, mahulaan kaya ng mga netizen kung sino ang nasa blind item ni Xian Gaza?

Bukas naman ang BANDERA para sa panig nina Xian, Diego, Barbie at AJ hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending