Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie | Bandera

Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie

Reggee Bonoan |November 01,2021
facebook
share this

Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie

Reggee Bonoan - November 01, 2021 - 09:39 AM

Blackpink Jennie at Xian Gaza

ISANG milyon at limandaang libong piso pala ang halaga ng billboard na ipinalagay ng social media personality na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang si Xian Gaza sa Seoul, South Korea.

Ito’y para imbitahan nga sa isang dinner date ang member ng K-Pop girl group na Blackpink na si Jennie Ruby Jane Kim.

Ang nasabing billboard ay inilagay malapit sa Blackpink YG Entertainment headquarters sa Hongdae area, Mapo-gu, Seoul.

Ipinost ni Xian ang nasabing billboard sa kanyang Facebook page nitong Linggo na lumabas naman dito sa BANDERA.

Alas-dose kinse ng hatinggabi nitong Lunes ay muling nag-post si Xian ng larawan ng billboard at hinihikayat daw siya ng business partner niyang Korean na sana’y inilagay ang company logo sa ipinalagay nitong billboard para ma-promote rin ang kumpanya nila.

Base sa post nito, “Sabi nu’ng isang business partner ko sa South Korea, lagyan daw namin ng mga company logo ‘yung billboard para daw ma-promote ang aking mga negosyo’t kumpanya. Kahit papaano eh masulit at makabawi-bawi daw sa 1.5 million pesos na aking ginastos.

“Hindi ako pumayag dahil mawawala kako ‘yung sincerity ng aking dinner date proposal for Jennie. Sabi ko sa kanya eh mas pipiliin kong lumigaya kaysa kumita ng pera. 

“Genuine happiness over money. Tutal kako ‘yung 1.5m ay kaya ko namang kitain sa loob ng sampung araw,” anito.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kulang 4,000 na ang nag-like at natawa sa katwirang ito ni Xian.

Anyway, Linggo ng gabi ay may naunang post si Xian habang nasa first class cabin sakay ng eroplano na tinatawanan daw siya ng haters niya dahil wala naman sa South Korea ang iniimbitahang dalaga dahil nasa L.A (Los Angeles, USA) daw ito.

“Pinagtatawanan ako ng mga haters ko dahil si Jennie daw ay namataan sa LA at wala daw siya ngayon sa South Korea. Mukha lang daw akong tanga.

“Instead of feeling bad about it, napa-smile na lang ako. Why? Kasi sobrang nauunawaan ko sila. Gets ko where they are coming from. Nakikita ko ‘yung perspective nila.

“Kung isa kang hampaslupa na pedicab, tricycle, jeep, bus, taxi, Angkas at Grab lamang ang afford, hindi mo alam ‘yung feeling na ang magkabilang dulo ng mundo ay isa’t kalahating araw lang pala talaga ang layo. 

“Hindi mo dama ‘yung realidad that each and every country is just less than 24 hours away from each other.

“I don’t care kung nasa LA, London, Dubai, Hong Kong, Tokyo o kung nasaang lupalop man ng mundo si Jennie. What I care about if she and her management will say YES or NO to my dinner date proposal dahil bilang isang milyonaryo kahit sa loob ng eroplano ay maaari kaming mag-hapunan,” sabi ni Xian.


At dahil mahigit isang milyon nga ang ibinayad nito sa billboard ay burger, fries at chicken na lang daw ang hapunan niya.

Aniya, “Yung naubos pera mo sa billboard kaya McDo ka muna tonight. Mayaman sa socmed, pulubi in real life. I remember so many people. Ayaw ko na lang mag-talk.”

In fairness bentang-benta ang humor na ito ni Xian, huh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, curious kami sa magiging sagot ni Blackpink Jennie sa billboard proposal ni Xian Gaza.

Xian Gaza ibinandera ang billboard proposal kay Blackpink Jennie; pwede nga bang kasuhan sa Korea?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending