Xian Gaza sa batang tinaboy sa mall: 'Unfair maging mahirap!'

Xian Gaza sa viral video ng batang tinaboy sa mall: ‘Unfair maging mahirap!’

Pauline del Rosario - January 16, 2025 - 05:29 PM

Xian Gaza sa viral video ng batang tinaboy sa mall: 'Unfair maging mahirap!'

Xian Gaza, viral video of sekyu na pinalayas ang batang babae na nagtitinda ng sampaguita

NAGLABAS ng sariling opinyon ang self-proclaimed pambansang Marites na si Xian Gaza kaugnay sa viral video ng isang sekyu na pinalayas ang isang batang babae na nagtitinda ng sampaguita sa isang malaking mall sa Mandaluyong City.

Hindi na makita ng BANDERA ang nasabing post ni Xian, pero maraming sites ang nakapag-screenshot nito at nag-trending pa.

“Ang hirap maging mahirap kasi unfair sayo ang mundo. Yan ang masakit na realidad,” ang bungad ng internet personality sa isang Facebook post.

“Naghahanapbuhay ka sa murang edad para may pantustos ka sa pag-aaral mo tapos sisirain lang yung paninda mo. Saan ka kukuha ngayon ng kapital para bukas? Sobrang nakakagalit sa totoo lang,” ang pag-amin niya sa kanyang nararamdaman matapos mapanood ang viral video.

Patuloy ni Xian, “Na habang yung ilan sa atin ay nagpapakasarap sa kanya-kanya nating buhay, may mga batang musmos ang obligadong magbenta sa lansangan porke ipinanganak silang dukha sa isang mahirap na bansa.”

Baka Bet Mo: Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true?

“Kaya sana eh huwag po tayong mag-anak ng mag-anak if we are not financially capable. Huwag nating ipamana sa mga anak natin yung sumpa ng kahirapan thinking na sila ang mag-aahon sa atin,” payo niya sa madlang pipol.

Mensahe naman niya sa security guard na nasa video: “At para naman kay Manong Guard, kung makarating man sayo ito, Manong.…. I pray na sana ay makaahon ka na rin sa miserableng buhay. Ramdam ko na pagod na pagod ka na rin. Kaya mo nga yan nagawa eh. Repleksyon yan ng buhay na mayroon ka. God bless you both.”

Xian Gaza sa viral video ng batang tinaboy sa mall: 'Unfair maging mahirap!'

PHOTO: Screengrab from Facebook

Mapapanood sa video na hinablot ng sekyu ang sampaguitang hawak ng bata na nakaupo sa hagdan sa labas ng SM Megamall kaya natanggal ang mga bulaklak mula sa pagkakatali nito.

Nagalit ‘yung estudyante kaya hinampas niya ang security guard ng natitirang sampaguita sa kanyang kamay, pero ginantihan din siya ng lalaki at sinipa ang bata.

Marami ang uminit ang ulo sa nangyari kaya mabilis na umaksyon ang pamunuan ng SM Megamall at naglabas ng official statement ngayong araw, January 16.

Ayon sa kanila, sinibak na nila sa trabaho ang sekyu at hindi na pinapayagang mag-serbisyo sa kahit anong mall ng SM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa sa bahagi ng statement, “As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending