Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true? | Bandera

Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true?

Therese Arceo |April 13,2023
facebook
share this

Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true?

Therese Arceo - April 13, 2023 - 06:03 PM

Jane de Leon mahirap raw katrabaho kaya wala pang project, how true?
TRULILI nga ba ang chika na kaya hanggang ngayon ay wala pang bagong project si Jane de Leon ay dahil mahirap itong ka-work?

Marami kasing mga bulung-bulungan na maarte raw ang dalaga at mahirap katrabaho kaya wala pa ring proyekto kahit na matagal nang tapos ang “Darna” TV series.

At sa latest upload nga ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kung saan kasama niya sina Mama Loi at Mrena ay natalakay nga nila ang kumakalat na tsismis ukol kay Jane.

Marami raw kas ang nagtatanong sa talent manager kung may balita ito kung kailan masusundan ang kanyang nagtapos na project dahil matagal na rin ang nakalilipas buhat nang mag-babu ang “Darna” sa madlng viewers.

“’Yun nga, ang daming nagtatanong sa akin, ano na raw ang next project ni Jane De Leon? Tapos may nag-chika sa akin na mukhang matatagalan pa,” pagbabahagi ni Ogie.

Marami raw kasi ang mga chika na tila hindi ito bet ng mga tao dahil sa ugali nito.

Pagpapatuloy niya, “Parang during the ‘Darna’ shoot daw, ewan ko kung totoo ah, parang hindi naman yata… ang sabi e parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa ay medyo may kaartehan daw sa set.”

Agad raw niyang tinanong ang kanyang kaibigan na malapit rin sa dalaga upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang mga chichi.

“‘No, Mama Ogs. Si Jane ay masunurin sa set. Lahat ng eksena ginagawa niya’. Hindi lang daw maintindihan ng taga ibang production na minsan may dinaramdam, masakit ang ulo, ganyan pero nagtatrabaho pa rin.” saad ni Ogie.

Singit pa nga ni Mama Loi, hindi rin naman daw talaga biro ang mga ginawa ng aktres na fight scenes kaya kung may nararamdaman daw ang dalaga ay marahil parte na ito ng pagod.

Baka Bet Mo: Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko

Sey naman ni Ogie, mukha naman daw mabait at masunurin ang dalaga noong na-interview niya ito sa kanyang “Ogie Diaz inspires”.

Dagdag pa niya, kitang kita kay Jane na talagang may pangarap ito sa buhay.

“Alam mo, sa totoo lang, ‘yang mga kaartehan sa set, normal na yan lalo na sa mga nagbibida. May mga nagbibida na masarap katrabaho tapos ‘yung production staff na nakatrabaho non, e the next project nila, laging bida sa kanilang pa-meeting o sa kanilang brainstorming yung artistang para sa kanila ay magaling katrabaho,” chika pa ni Ogie.

Pang-iintriga naman ni Mrena, “Kung mahusay makisama sa trabaho [si Jane], bakit wala pa ring offer ngayon?”

Sagot naman ni Ogie, “Hindi naman natin alam baka hindi pa lang nakakarating sa atin na may offer o may alok pala. Hintayin natin. Susulpot din naman yan. Kaya lang sa tagal ko rito sa industriya, para hindi masundan ang isang teleserye kung saan nagbida ka, it’s either pelikula or teleserye ang pagbibidahan mo, naka-announce na ‘yan… Hintayin natin baka may announcement talaga.”

Kasalukuyang nasa Japan ngayon si Jane at ine-enjoy ang kanyang bakasyon.

Related Chika:
Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: ‘She’s like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending