Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: 'Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko' | Bandera

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 11:03 AM

Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: 'Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko'

Jane de Leon

TATLONG male celebrities na pala ang naging dyowa ng Kapamilya actress na si Jane de Leon.

In fairness, ang galing-galing magtago ng dalaga ng relasyon, ha! As in wala talagang lumabas na chika tungkol sa mga artistang naging boyfriend niya.

Sa interview ni Vicki Belo kasama ang asawa nitong si Hayden Kho na mapapanood sa YouTube vlog nito, napag-usapan nga ang lovelife ni Jane na napanood sa katatapos lang na action-fantasy series na “Darna.”

Tanong kay Jane, anu-ano raw ang mga nagustuhan niya sa mga male stars na “more than friends” ang naging status nila at bakit nauwi rin sila sa hiwalayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Yung mga nakaka-date ko naman ay naging boyfriend ko. Malayo talaga ang agwat sa akin kasi gusto ko mas matured,” lahad ni Jane.

Inamin ng dalaga na talagang walang masyadong nakaalam tungkol sa mga nakarelasyon niyang mga aktor, “Lahat naman kasi secret sa akin! Ha-hahahaha!”

Ang unang aktor na naging boyfriend niya ay “super bait” daw talaga, “Taga-Laguna pa ako nu’n, e. Though sa ABS nagwo-workshop-workshop pa ako noon, tapos nandu’n siya sa Deal or No Deal.

“Kahit pinu-push away ko na siya, super grabe, ma-effort talaga. Du’n ko nakita ang respect niya kasi sinabi ko kailangan niya munang harapin ang family ko bago ako,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang nagjng status nila ng aktor, “Parang kayo na hindi kayo.”

“Sinabi ko sa kanya, ‘Kahit magtagal tayo, baka mag-break din tayo.’ Pero grabe, sobrang ma-effort, super bait niya, and na-meet niya pa yung dad ko,” sabi pa ng dalaga. Namatay ang tatay niya noong 2016.

Inilarawan naman nina Vicki at Hayden bilang “gentleman, very proper” ang second guy na naging dyowa ni Jane na hanggang ngayon kaibigan pa rin ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Kasunod nito, ibinulong ni Jane kay Hayden ang pangalan ng ikalawang male star na naging boyfriend niya. Nagtatakang tanong ng asawa ni Vicky, “Akala ko hindi siya straight?!”

Ani Jane, lalaking-lalaki raw ang guy na nakarelasyon niya, “Maalaga din naman siya, super talaga, as in lalo na sa health ko, number one.”

Baka Bet Mo: Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino…napakagaan niyang kasama

Tanong ni Vicki kay Jane kung hindi niya nakita ang worst side ng nasabing personalidad, “Yun talaga hindi ko nakita, e.” At kahit pa raw binigyan niya ito ng second chance, nauwi pa rin sila sa hiwalayan.

Ang ikatlong aktor na nakarelasyon ni Jane ay bago-bago lang dahil naging sila habang ginagawa niya ang “Darna”, “Wala talagang nakakaalam kahit sa circle of friends ko.

“Napaka-supportive, as in super talaga. During ano ito, e, di ba, Darna,” paglalarawan niya sa kanyang last boyfriend.

Pero aniya, naghiwalay din sila eventually dahil sa kanyang super busy schedule at sa isa pang dahilan na hindi na niya binanggit.

Inamin din ni Jane na nagkaroon din siya ng traumatic relationship, “Meron naman. Don’t get me wrong, this guy is super mabait, pati maalaga.”

Nabanggit din ni Jane na hindi rin naman siya perfect girlfriend, “May mga flaws naman ako. Siguro hindi lang kami nag-meet halfway or may mga bagay na hindi lang talaga kami meant.”

Oh guys, mga ka-BANDERA at ka-Marites, may mga hula na ba kayo kung sinu-sino ang tatlong showbiz personalities na naging dyowa ni Jane? Hula na!

Jane nakaranas ding mag-ulam ng asin, toyo’t mantika at ‘ligaw na manok’: Natulog din kami ni Mama sa gilid-gilid ng MRT

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon nakaahon sa kahirapan dahil sa ‘Darna’: Natulungan ko ang pamilya ko, guminhawa po ang buhay namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending