Carlo ayaw sanang gawin ang ‘It’s Okay Not To Be Okay: Takot na takot ako
AYAW pala sanang gawin ni Carlo Aquino ang Filipino version ng hit Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay.”
Makakasama ni Carlo sa naturang Kapamila serye sina Anne Curtis at Joshua Garcia, mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Ito’y isa na namang collaboration ng ABS-CBN at Netflix.
Inamin ni Carlo na totoong nagdalawang-isip siya na tanggapin ang offer na magbida sa “It’s Okay Not To Be Okay” dahil sa gagampanan niyang role.
“Ayaw ko kasing gawin dahil takot na takot ako du’n sa Its Okay to Not Be Okay dahil alam ko ‘yung fans ng series na ‘to eh, sobrang wild ‘yung kagustuhan nila.
Baka Bet Mo: Kathryn gaganap na comfort woman sa ‘Elena 1944’; bibida rin sa ‘A Very Good Girl’ kasama si Dolly de Leon
“Tapos nanalo pa nga ‘yung actor na nag-play (sa role ko) so dagdag pressure naman ‘yun, eh ayaw ko na nga ng pressure,” pahayag ni Carlo sa interview ni Bianca Gonzalez para sa TFC show na “BRGY.”
Pagpapatuloy ng aktor, “So sabi ni CVV (Cory V. Vidanes), gawin mo na. Tapos sinabi na rin ng handlers ko, sobrang ganda niyan, parang ikaw ‘yung isa sa mga puso ng series.
View this post on Instagram
“Sabi ko okay, siguro ito na ‘yung time na kung gagawa man ako ng sobrang hirap, ito na ‘yun and parang feeling ko ano rin ‘to, moving forward.
“Magiging okay din dahil ginawa ko ‘yung isang bagay na sobrang kinakatatakutan ko,” pahayag ng asawa ni Charlie Dizon.
Dagdag pa ni Carlo, “Nu’ng past kasi ayaw ko ng ganu’n sabi ko time na to do something about this. Takot na takot ako pero gagawin ko ‘to nang takot.”
Gagampanan ni Carlo sa “It’s Okay to Not Be Okay” ang karakter ni Mathew Gonzales o Matmat, na unang ginampanan ni Oh Jung-se as Moon Sang-tae sa Korean version.
Anne Curtis will play Mia Hernandez while Joshua Garcia will take the character of Patrick Gonzales.
“Natutuwa ako kasi ‘yung amount of heart and and passion na binibigay ng lahat ng buong team… Wala akong ibang magagawa kundi ibigay ‘yung best ko,” sey pa ni Carlo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.