Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino...napakagaan niyang kasama | Bandera

Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino…napakagaan niyang kasama

Ervin Santiago |August 14,2022
facebook
share this

Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino…napakagaan niyang kasama

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 09:05 AM

Joshua Garcia at Jane de Leon

MARAMING nagsasabi na bagay na bagay sina Joshua Garcia at Jane de Leon at aprubado rin sa kani-kanilang fans sakaling sila nga ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

Magkasama ang dalawa sa bagong Kapamilya action-adventure drama series na “Mars Ravelo’s Darna” na magsisimula nang lumipad bukas, Agust 15, sa iba’t ibang ABS-CBN platforms.

Sa katunayan, kanya-kanyang post ang kanilang mga supporters sa social media ng mga promo materials ng “Darna” kasabay ng pagsasabing sana raw ay mauwi rin sa totohanan ang kanilang on screen loveteam.

Pero mukhang hindi pa mangyayari in the near future ang wish ng mga fans ng dalawang Kapamilya stars dahil mismong si Joshua na ang nagsabi na hindi siya nanliligaw kay Jane at wala silang relasyon.

Sa guesting ng aktor sa “Magandang Buhay” last Friday, natanong nga si Joshua kung ano mga ba ang estado ng relasyon nila ni Jane.

Sagot ng binata, friends lang daw talaga sila ng kanyang leading lady sa “Darna” pero naging close raw talaga habang ginagawa ang bago nilang teleserye na siyang papalit sa “Ang Probinsyano” ni Coco.

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Tanong ni Regine Velasquez kay Joshua, “Ano ba kayo ni Narda slash Jane de Leon?”

Diretsong sagot ng aktor, “Magkaibigan lang kami ni Jane. Mabait si Jane, maganda si Jane, matalino si Jane. Napakagaan niyang kasama, magaan siya sa eksena.

“It’s just that parang hindi puwedeng unahin ‘yung ganu’n,” sey pa ni Joshua na gaganap bilang si Brian Robles, ang pulis na tutulong kina Narda at Darna na ginagampanan nga ni Jane.

“Dapat professional eh, ang hirap ng tinatrabaho namin, kaya dapat focus lang kami sa work para walang maging problema,” dagdag pa ni Joshua.

* * *

Talagang pasabog ang inyong weekend sa hatid na sorpresa nina Cardo, Darna, pati ang all-star cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Mars Ravelo’s Darna” live na live ngayong Linggo (Agosto 14) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang pinag-usapan nitong pagtatapos, samahan sina Gary Valenciano at Regine Velasquez sa isang thanksgiving treat ng long-running Kapamilya action serye na “FPJ’s Ang Probinsyano,” tampok sina Coco Martin, John Arcilla, Lorna Tolentino, Rowell and Raymart Santiago, John Prats, Michael de Mesa, John Estrada, Geoff Eigenmann, Marc Solis, John Medina, Smugglaz, Bassilyo, Sancho delas Alas, Jay Gonzaga, CJ Ramos, Jimboy Martin, MJ Flores, Marvin Yap, Malou Crisologo, Whitney Tyson, Nonong Ballinan, Raymond Bagatsing, Roi Vinzon, at Megastar Sharon Cuneta na sasabayan din ng special messages mula kina Bela Padilla, Yam Concepcion, Arjo Atayde, Jhong Hilario, Charo Santos-Concio, at iba pa.

Abangan din ang isang madamdaming musical tribute para kina Da King Fernando Poe Jr. at Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces mula kina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, KZ, Angeline Quinto, Jed Madela, Klarisse de Guzman at “Ang Probinsyano” stars John Arcilla, Michael de Mesa, at Sharon Cuneta.

Lalarga na ang welcome pasabog ng inaabangang teleserye na “Mars Ravelo’s Darna,” tampok ang tapatan ng New Gen Birit Idols na sina Sheena Belarmino, Fana, Elha Nympha, Lara Maigue, kasama ang Asia’s Songbird Regine Velasquez, na susundan ng mapangahas na performance mula sa nag-iisang Valentina, Janella Salvador, at ang matinding sorpresa mula sa pinakabagong Darna, Jane de Leon.

Makilipad din sa P-Pop performance ng BGYO na sasabayan ng pag-rampa ng all-star cast ng “Mars Ravelo’s Darna” na sina Jane, Janella, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Richard Quan, Eric Fructuoso, Dawn Chang, Levi Ignacio, Young JV, Jeffrey Santos, Mark Manicad, LA Santos, Zeppi Borromeo, Joj Agpangan, Viveika Rabanes, Marvin Yap, Gerard Acao, Yogo Singh, at Rio Locsin.

Hindi rin pahuhuli sa “ASAP” stage sina Francine Diaz, Anji Salvacion, Chie Filomeno, Krystal Brimner, Jin Macapagal, Jeremy G, at ang buong “ASAP Natin ‘To” family kasama ang Urban Crew, Black Ops, Manoeuvres Ignite, Risen, at MNL48.

At huwag palampasin ang inspiring biritan nina Gary V., Zsa Zsa, Angeline, Erik, Ogie, at Regine kasabay sina Darren, KZ, Klarisse, Nyoy Volante, at Jason Dy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang bigating all-star Kapamilya treat na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Darna mural alay sa mga tunay na Pinoy ‘superhero’; Jane, Joshua, Janella saludo sa mga bagong bayani

Jane de Leon umamin: Lumaki po ako sa hirap, yung P100 pinagkakasya po namin dati ni Mama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending