Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: 'She's like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao' | Bandera

Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: ‘She’s like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao’

Ervin Santiago |March 26,2023
facebook
share this

Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: ‘She’s like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao’

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 07:28 AM

Jane de Leon idol na idol si Angel Aquino: 'She's like a mother, ate and bestfriend to me, hindi siya nagdya-judge ng tao'

Angel Aquino at Jane de Leon

KUNG may isang female celebrity na talagang hinahangaan at nirerespeto nang bonggang-bongga ni Jane de Leon, yan ay walang iba kundi si Angel Aquino.

Ibang klase raw kasi ang tapang, talento at ugali ni Angel na kino-consider niya bilang isa sa mga talagang empowered women sa entertainment industry.

Natanong kasi si Jane, na huling napanood sa “Darna” series ng ABS-CBN, sa panayam ni Darla Sauler sa Kumu, kung sino ang una niyang naiisip kapag napag-uusapan ang women empowerment.

“Si Ms. Angel Aquino, she’s like a mother-ate and bestfriend to me. Si Ms. A kasi ang sarap niyang kasama kasi hindi siya nagdya-judge ng ibang tao,” papuri ng dalaga sa award-winning aktres na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ng edad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Patuloy pang sabi ni Jane, “Yung nagustuhan ko sa kanya nili-lift up niya lagi ‘yung mga kasama niya, mga co-artist niya at tinutulungan niya lagi and isa ako roon that’s why I’m really blessed. Up until now mayroon pa rin kaming communication.

“Sobrang humble niya talaga at hindi mo mararamdaman na may ere siya, sobrang bait niya talaga. Nanay siya for me, eh,” dagdag pang pahayag ng Kapamilya actress.

Baka Bet Mo: Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Samantala, isa pa sa hinahangaan niya sa pagiging matapang at palaban ay ang co-star niya sa “Darna” na si Janella Salvador na gumanap namang Valentina. Aniya, ibang klase ring babae ang celebrity mommy.

“I really do love her because of being a strong person and despite of everything na nangyari rin sa kanya, naging mother siya and ‘yung kanyang ex-lover, nakita ko ‘yung progress niya, eh kung paano siya naging strong woman,” sabi ni Jane patungkol kay Janella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Siyempre, hindi rin niya makakalimutan ang iba pa niyang kasamahan sa “Darna” tulad nina Rio Locsin at Iza Calzado.

Kuwento niya about Rio, “Natutuwa kami sa kanya kasi hindi niya kami nakakalimutan ni Ding (Zaijian Jaranilla) and grabe siya ‘pag pinapagalitan kami, pinapagalitan kami kasi kami ni Ding aso’t pusa, in a good way.

“Ang sarap lang maramdaman ‘yung ganoon, I don’t have a lola anymore and doon ko nararamdaman ‘yun kay Tita Rio. Sobrang blessed din ako na nakilala ko siya,” chika pa ni Jane de Leon.

About Iza naman, “Since unang Darna pa lang, inalagaan niya talaga ako, ‘yung path na tinahak ko sa Darna, nandiyan siya lagi to support me and guide me also being my mom din.”

Jane nakaranas ding mag-ulam ng asin, toyo’t mantika at ‘ligaw na manok’: Natulog din kami ni Mama sa gilid-gilid ng MRT

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon nakaahon sa kahirapan dahil sa ‘Darna’: Natulungan ko ang pamilya ko, guminhawa po ang buhay namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending