Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya | Bandera

Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya

Therese Arceo - February 22, 2022 - 08:27 PM

Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya
LABIS na hinangaan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito.

Sa kanyang Instagram account nga ay ibinahagi ng kolumnista ang kanyang obserbasyon ukol sa aktor.

Dito ay inilahad ni Manay Lolit na nasabi na raw ni Jake na ayaw na niya sa pulitika.

Aniya, ang sara daw ng posisyon nito sa buhay dahil dahil kaya raw nitong pasukin mapa-politika man o mundo ng showbiz.

“Ayaw na raw ni Jake Ejercito sa pulitika at baka showbiz na ang harapin nito, Salve. Ang sarap ng posisyon ni Jake Ejercito, puwede siya sa showbiz, at puwede din sa pulitika. Parehong bukas ang pintuan sa kanya ng dalawang daigdig, pareho din na mahal ng showbiz at pulitika ang pangalan Ejercito,” paglalahad ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, plus points rin na bukod sa kayang-kaya ni Jake na msgtagumpay mapa-pulitika man o mapa-showbiz ay naka-graduate ang aktor ng kolehiyo.

“Kaya naman in good standing ang anuman maging pasiya ni Jake, isali pa dito na college graduate siya kaya talagang hawak niya lahat ng sandata para magtagumpay,” sey ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Giit pa niya, “Suwerte ng sinuman na magiging Mrs. Jake Ejercito dahil isang accomplished man ang magiging asawa niya.”

Bagamat aminado si Manay Lolit na maswerte ang mapapangasawa ng aktor ay nakikita niyang mukhang matagal pa nago mag-settle down ang aktor dahil marami pa itong plano sa kanyang buhay.

“Goodluck Jake Ejercito, spread your wings,” pahabol pa ni Manay Lolit.

Samantala, kamakailan lang nang ibahagi ng aktor ang kanyang naging scuba date kasama ang kanyang anak na si Ellie.

Pag-amin ni Jake, ito raw ang first time na na ma-try mag-scuba dive at masaya siya dahil ang anak niya ang kanyang kasama nang gawin niya ito.

“Wish we had a better underwater cam, but it was awesome to be with Ellie on my first-ever dive. Looking forward to the next one already,” saad ng aktor sa kanyang Instagram kalakip ang mga larawan nila na kuha nitong weekend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher
Jake ayaw munang magkaroon ng ka-loveteam; idol sina Piolo, Coco at John Lloyd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending