Jake Ejercito humugot matapos maaresto si Duterte: Ngayon na ang singilan

Jake Ejercito, Kian Delos Santos at Rodrigo Duterte
BINUHAY ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang alaala ni Kian Delos Santos, isa sa mga kabataang nabiktima ng war on drugs sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos mabalitang naaresto na si Duterte ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group dahil sa mga nagawa niyang “crimes against humanity.”
Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Jake ang litrato ni Kian kung saan nakasulat ang mga pangungusan na, “Tama na po! Tama na po. May test pa po ako bukas.”
Ito ang mga huling salita ng teenager na si Kian na binaril hanggang sa mamatay sa isang anti-drug operation ng mga otoridad sa Caloocan, walong taon na ngayon ang nakararaan.
Mababasa naman sa caption na inilagay ni Jake sa kanyang post, “Ang mali ay may bayad, at ngayon na ang singilan.”
Marami ang um-agree sa sinabi ni Jake. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.
“Couldn’t be happening to a more deserving person! The world is healing!
#bestdayever.”
“Yung mga nag ccomment ng unfollow. Hindi to airport. Hindi nyo need mag paalam.”
“This is why I admire you Jake Ejercito!
You speak up. You put your name and your profession on the line no matter what the cost.”
“We need more people like you in the entertainment industry. Time for justice!”
“Makikisali talaga s’ya if he’s into human rights. Walang may gustong may madamay sa mga inosenteng buhay lalo na sa mga kabataang may pangarap pa sana. Seryoso kayo sa pagiging bulag nyo?!???”
“Jake, consistently in the right side of history. Salamat sa pag tindig!”
“This is why I admire you, Jake Ejercito! You speak up. You put your name and your profession on the line no matter what the cost. We need more people like you in the entertainment industry. Time for justice!”
“Kaya mahal kita Jake Ejercito eh. Justice is being served right in front of us.”
Noong August, 2017, binaril at napatay si Kian Delos Santos matapos akusahan na nanlaban sa isang anti-drug operation. Ngunit pinabulaanan ito ng mga nakasaksi sa insidente.
Tatlong pulis ang hinatulang guilty sa pagpatay sa biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.