Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital? | Bandera

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Therese Arceo |July 09,2022
facebook
share this

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Therese Arceo - July 09, 2022 - 03:56 PM

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

NAGBAHAGI ang kolumnistang si Cristy Fermin ukol sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino.

Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay isa ang Queen of all Media sa kanilang naging paksa.

Ayon kay Cristy, nagpadala ng mensahe sa kanya si Kris matapos mapanood ang summarized at edited videos niya kung saan nagbibigay siya ng komento ukol kina Kris at sa mga anak nito.

Naglabas ang kolumnista ng sama ng loob at nilinaw kay Tetay na hindi naman daw nila kailanman tinirada ang kanyang mga anak sa mga shows nitong “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na” at ipinagdiinan pa nito na madalas silang manawagan ng dasal para sa kanyang agarang paggaling.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Parte ng mensahe ni Kris sa kolumnista ay ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan pati na rin ang nangyayari sa pagpapagamot nito sa Amerika.

“Parang lumalabas, lilipat na naman siya ng ospital sahil iyon daw pinag-aalala nila sa Houston na gamutan na palpak ay pumalpak na nga. Sa ingles niya sinabi yan,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Nagkamali-mali na nga kaya hindi niya alam kung lilipad na naman sila at lilipat ng ospital.”

Aniya, hindi na raw niya idedetalye pa ang mga sinabi sa kanya ni Kris pero ibinahagi niya na sasailalim si Kris sa chemotherapy sabay pakita ng screenshot ng bahagi ng mensahe ni Tetay.

“In less than 3 months direcho na ko sa immunosuppressant-chemotherapy na… it’s the only road I have,” ayon sa ibinahaging parte ng text message ni Kris kay kolumnista.

Sey pa ni Cristy, marahil ay sasailalim ito sa ganoong uri ng treatment para hindi na lumala pa ang mga sinabing sakit ni Kris.

“Nag-aalala na raw ‘yung mga kapatid niya kasi ‘yun daw nangyayari sa kanyang yon, umiepekto sa kanyang mga veins patungo na sa kanyang puso,” sey pa ng kolumnista.

Matatandaang nagpositibo rin kamakailan sa sakit na COVID-19 ang mag-iina at marahil may naging epekto rin ito sa naging lagay ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Kris Aquino nasa Houston na para magpagamot; Lolit, Cristy humingi ng panalangin para sa agaran niyang paggaling

Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending