Kris Aquino nasa Houston na para magpagamot; Lolit, Cristy humingi ng panalangin para sa agaran niyang paggaling | Bandera

Kris Aquino nasa Houston na para magpagamot; Lolit, Cristy humingi ng panalangin para sa agaran niyang paggaling

Reggee Bonoan - June 10, 2022 - 09:47 AM

Kris Aquino nasa Houston na para magpagamot; Lolit, Cristy humingi ng panalangin para sa agaran niyang paggaling

KASALUKUYANG nasa Houston, Texas si Kris Aquino para magpagamot ng kanyang karamdaman at mananatili siya roon ng ilang taon bago tuluyang gumaling, base na rin sa pagbibigay niya ng update bago siya umalis.

Base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila nina Romel Chika at Morly Alinio ay isinakay si Kris ng private plane na hindi binanggit kung kanino.

Nabanggit din na milyones ang halaga sa pag-arkila ng private plane na kung hindi namamali si ‘nay Cristy ay aabot sa P20-30M ito.

Anyway, isa rin sa dahilan kung bakit hindi natutuloy si Kris patungong Amerika ay dahil hindi stable ang BP niya bagay na pinagbabawalan siya ng kanyang mga duktor na umalis kasi nga baka kung anong mangyari sa 17 hours trip nito sa ere.

“Twelve hours kasi hanggang L.A (Los Angeles) lang, e, to Houston, another five hours. Walang may gusto (mga duktor) kasi baka nga may mangyari sila pa masisi.

“Nagsalita na po ang espesyalista na Fil-Am na nasa Houston. Nakakatakot nga ang kanyang pagsasalita kasi ang bilin ni Kris, ‘be honest.’

“Na ‘wag magtatago kahit na anong detalye at nakalagay na kapag hindi pa nagpagamot si Kris Aquino sa lalong madaling panahon, napaka-iksi na lang ng oras na kanilang tatawirin,”kuwento ni nanay Cristy para sa tagasubaybay ng SNN.

Nasambit din ng batikang manunulat/vlogger na pumirma ng waiver si Kris na anuman ang mangyari sa kanya sa pagpunta niya sa Houston, Texas ay siya lang ang sisihin at hindi ang mga duktor niya rito sa Pilipinas.

Dahil kung hindi raw ito gagawin ni Kris ay walang pumapayag sa mga duktor niya na pumunta siya sa ibang bansa.

“Natatakot silang (mga duktor) pumirma mahirap nga naman di ba? So, ganu’n ang nangyari.

“At tayo naman ay ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal sa kanya. Bigyan natin siya ng ilang minutong taimtim na panalangin para maligtasan niya itong sitwasyon niya ngayon,”panawagan ni ‘nay Cristy.

Samantala, nag-post naman si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account nitong Huwebes na humihiling din siya ng panalangin para sa mama nina Joshua at Bimby.

“Sana naman magamot na si Kris Aquino sa US, Salve. Sana naman kayanin niya mga medical procedures at tanggapin ng katawan niya ang mga gamot para sa kanyang paggaling.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

 

“Sure ako na feeling anxious siya dahil nasa malayo at wala sa paligid ang mga lagi niyang kasama.

“Pero alam ni Kris Aquino na talagang kailangan niya ang mahabang gamutan para mabalik sa dati ang health condition niya. Very prayerful si Kris, at sa dami din ng mga natulungan niya na tiyak na ipinagdarasal siya, baka magkaruon ng miracle at gumaling siya.

“Let us pray more for Kris Aquino, too young to be suffering, at para narin sa mga anak niyang si Joshua at Bimby, na kailangan pa ang guidance at pagmamahal niya. Fighting Kris, kaya mo iyan.

Related Chika:
Kris Aquino lilipad na pa-Amerika para magpagamot: Time is now my enemy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa

Netizens nagpakita ng suporta sa pagpapagamot ni Kris: Praying for her speedy recovery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending