May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa Bandera

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Reggee Bonoan |May 31,2022
share this

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Reggee Bonoan - May 31, 2022 - 06:40 PM

Kris Aquino

BASE sa tsika ni Manay Lolit Solis sa kanyang post sa Instagram account ay hindi na aalis ng bansa si Kris Aquino para ituloy ang pagpapagamot sa Houston, Texas USA.

Ito’y dahil baka hindi na raw kayanin ng katawan ng TV host ang mahabang biyahe sa eroplano.

Sa nakaraang post pa nito ay nabanggit ding may mga araw na hindi na naigagalaw ng mama nina Joshua at Bimby ang katawan dahil sa sakit.

Anyway, narito ang latest post ng kilalang talent manager at kaibigan ni Kris, “Alam mo Salve na siguro isa sa pinaka-frustrated si Kris Aquino duon sa hindi siya makagala sa paligid gaya ng dati niya ginagawa.

“Mahilig sa outdoor si Kris at kahit nga hindi siya iyon athletic na type gusto niya iyon naglalakad sa paligid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Window shopping o personal na pinupuntahan iyon gusto niya bilhin. Tiyak na dahil sa physical na kalagayan niya, hindi muna siya puwede na nag wa walking o sa mataong lugar.

“Kaya tiyak na frustrated siya dahil dito. Dapat talagang ingatan mabuti ni Kris Aquino ang kanyang katawan dahil lalo na ngayon na matindi ang mga virus sa paligid.

“Kailangan talagang mas protected at mas iniingatan niya ang pagkilos. Sana nga ay gumaling ng tuluyan si Kris at maging masigla na tulad ng dati.

“Mabuti na lang at she gets the best in medical assistance dahil nasa top of the list ang kanyang mga doktor.

“Get well soonest Kris Aquino, marami ang nagdarasal para sa iyo, marami parin nagmamahal sa iyo,” mahabang pahayag ni Manay Lolit.

Samantala, nabanggit pa ni Manay sa online show nila ni Mr. Fu na umabot na raw sa P4 million ang mare-refund ni Kris sa airline company dahil sa kaka-cancel ng booking niya.

“Ilang beses na siyang on and off, kasama sila Joshua and Bimby, pero ayaw niya talagang umalis,” say ng online host.

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending