Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa | Bandera

Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa

Ervin Santiago - April 25, 2022 - 12:11 PM

Regine Velasquez at Kris Aquino

KINUMPIRMA ng Queen of All Media na si Kris Aquino na malapit na siyang umalis ng Pilipinas patungong ibang bansa para sa medical treatment na kailangang gawin sa kanya.

Ayon sa TV host-actress, mahigit isang taon daw siyang mawawala sa bansa kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Wala namang binanggit si Kris kung saang bansa sila pupunta ng kanyang mga anak.

Ibinalita ng award-winning TV host ang tungkol dito nang batiin niya ang kaibigang si Regine Velasquez ng “Happy Birthday” nitong nagdaang Sabado, April 23.

Sa isang Instagram post ng Asia’s Songbird, nag-iwan ng mensahe si Kris sa comment section at dito nga siya humingi ng paumanhin sa singer-actress at TV host dahil late na siyang bumati.

“May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie- honestly i need to ask my sisters if it ever reached you- because alvin (your #1 fan) took care of everything- he’s on leave now because his mom is in the hospital,” simulang pahayag ni Kris.

Aniya pa, “Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming.

“Thank you dumalaw si Jas & Darla (Sauler) and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako,” sabi pa ni Tetay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Kamakailan lang ay bumisita nga si Darla sa bahay nina Kris para kumustahin ito nang personal pati na sina Josh at Bimb. Halos tatlong taon ding hindi nagkita ang magkaibigan.

Ilang buwan na ang nakararaan nang ibahagi ni Kris na na-diagnose siya ng erosive gastritis at gastric ulcer, bukod pa sa kanyang autoimmune disease.

Pero sa kabila ng kanyang mga karamdaman at sobrang kapayatan, nagawa pa rin niyang makiisa sa campaign rally ng presidential candidate na si Vice President Leni Robredo sa Tarlac noong March 23.

“Since we are traveling to consult with more allergy, immunology, and hematology experts – they said to please make it a true health and wellness trip. Iregalo ko raw sa sarili at sa mga anak ko.

“I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me,” ang bahagi pa ng pahayag ni Kris sa isa pa niyang IG post noon.

https://bandera.inquirer.net/306948/bagong-gamot-na-itinurok-kay-kris-epektib-kinaya-ko-the-full-dose

https://bandera.inquirer.net/287893/respeto-ang-hiling-ni-kylie-sa-publiko-sa-desisyon-nila-ni-aljur-na-maghiwalay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284811/netizen-inireklamo-ang-pagpapabakuna-ni-alice-sa-manila-bakit-pag-artista-may-exemptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending