Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako? | Bandera

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Reggee Bonoan |July 07,2022
facebook
share this

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Reggee Bonoan - July 07, 2022 - 07:44 PM

“PUMASOK siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!” Ang bungad ni Nanay Cristy Fermin tungkol kay Kris Aquino na kasalukuyang nasa Houston, Texas USA para sa mahabang gamutan.

Naunang nabanggit na ni ‘Nay Cristy ang tungkol sa kilometrikong mensaheng ipinadala sa kanya ni Kris sa programang “Cristy Ferminute” kaninang hapon na umere sa Radyo5 92.3 News FM.

Base sa kuwento ng online host ay pinapanood daw ito ng bunsong anak na si Bimby na pinagsama-sama ang episodes.

At ngayong hapon sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina ‘Nay Cristy kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay nagkuwento na nang buo ang una para ipagtanggol ang kanyang panig.

Nang matanggap niya ang mensahe ay numero lang at hindi ito naka-save kaya nagdalawang-isip ang manunulat kung papatulan niya at para makasiguro ay nagtanong siya kung numero nga ito ni Kris at legit nga na sa Mama nina Joshua at Bimby galing ang mensahe.

“Binasa ko ng dalawang ulit. Isang araw mayroon daw pong ipinapanood na video sa YouTube sa kanya si Bimby, pinagtagpi-tagpi raw iyon, sinamarize, pinagdikit-dikit at pinag-ipon-ipon ang aking mga komento.

“’Yun ang kanyang ikinagagalit at talaga namang matatalim ang mga salita niya (Kris).

“Unang-una niyang sinabi, si Robin Padilla panay-panay ang pangungumusta sa akin, sila raw ni Mariel (Rodriguez-Padilla), ito naman daw si Kuya Ipe (Salvador) ay bestfriend ni Senm Bong Go at isa pa nilang kaibigan na si Jonathan So, alam daw ng dalawang ito ang kanyang number.

“Si James Yap naman daw ay alam ang kanyang numero ng Mayor ng San Juan, si Francis Zamora at mayroon din daw silang abogado na si Atty. Sigfried Fortun na alam din ang kanyang telepono.

“Pero kahit alam daw ni kuya Ipe at ni James walang komunikasyon sa kanilang mga anak, hindi raw nagre-reach out. Napakadali raw po ng paraan para makapag-communicate si Kuya Ipe at si James Yap kina Josh at Bimby pero hindi nila ginagawa.

“Sabi niya (Kris), bakit siya pa rin daw ba ang nagkulang? Siya pa rin daw ba ang mali? Siya pa rin daw ba ang dapat sisihin?” ang kuwento ni Nanay Cristy kung ano ang nilalaman ng mahabang mensahe sa kanya ni Kris.

Saka binalingan nito sina Romel at Morly kung napag-usapan nila sa “SNN” vlog ang kawalan ng komunikasyon ng mga anak ni Kris kina kuya Ipe at James.
Say ni Romel, “Never napag-usapan ‘yung ganu’n!”

Ayon maman kay Morly, “Ang naalala ko ate Cristy ‘yung sustento. Sabi ko nga bilang isang ama dapat nandoon ka para magbigay ng sustento.”

Dagdag ni Nanay Cristy, “Sabi mo (Morly) pa nga kahit mayaman si Kris obligasyon ni Kuya Ipe na sustentuhan kasi anak niya ‘yun.

“So, nakinig po siya (Kris) doon sa sinamarized na ‘ayon kay Cristy Fermin, sabi ni Cristy na ganito, ganyan-ganyan.’ Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung ano ang laman!” aniya pa.
Sabi raw Kris kay Nanay Cristy, “Birahin at tirahin mo na ako hangga’t gusto mo, huwag mo lang idamay ang dalawang anak ko.”

Base sa ipinakitang mensahe ni Kris sa manunulat at vlogger na ngayon, “You can never like me again, super gets na gets ko ‘yun but kuya Josh and Bimb wala silang atraso sa ‘yo, so please tita Cristy spare my sons.”

At dito na ipinaliwanag ni Nanay Cristy ng panig niya kasama sina Romel at Morly.

“Alam n’yo po mga kachika’t mga kapatid kulang na lang po ay magtayo kami ng kulto o relihiyon para mang-imbita ng mga miyembro sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pananalangin kay Kris Aquino para maligtasan niya ang kanyang sakit ngayon.

“Sina Josh at Bimby ay ikinakambal natin sa panalangin! Ang iniisip natin (ay) paano kung mawala si Kris kawawa naman ang dalawang bata,” sabi pa ng online host.

Singit ni Romel, “At saka never nating pinag-usapan ang dalawang bata, tanging si Kris Aquino lang ang ating pinag-uusapan.”

Say naman ni Morly, “Ang nakapagtataka bumira na naman siya ngayon, nagsalita na naman siya ngayon nang hindi man lang niya inaral kung ano ba talaga ‘yung puno’t dulo.”

Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Di sana para pumasok siya sa isang laban na malinaw ang kanyang sinasabi, ito mismo (panoorin) Showbiz Now Na o Cristy Ferminute ang kanyang pinanonood o pinanood ni Bimby sa mommy niya para wala tayong maitatago pag nandiyan na ‘yung video.”

“At saka ‘Nay, si Kris Aquino ‘yun!  Alam niya ang takbuhan ng mga gossip dito sa Pilipinas at mga vloggers,” katwiran ni Romel.

“Tayo ang kino-content ng mga vloggers ate Cristy na in a way nagkakaroon ng mga negatibo para mapansin sila at makakuha ng viewers,” pananaw ni Morly.

“Kurek! Tinataytelan ng iba!” sambit ng manunulat.

Pinag-usapan din ang kalagayan ni Kris na nagpo-post ng latest pictures niya sa kanyang social media account.

“Ang iniisip ko lang ano, si Kris Aquino ay nagpo-post ng mga larawan niya at nang sulatin ko sa mga kolum ko dahil totoo naman at iyon naman ang sinasabi ng publiko kapag nakita na naglalagay siya ng litrato na kaawa-awa siya.

“Ang itsura niya ay yayat na yayat ang kanyang mukha at sabi ko nga kung walang balat na nagdudugtong sa kanyang buto sa kakaunti niyag laman ay mukha na siyang bungo.

“At kung ilarawan niya ang nararamdaman niya ngayon ay parang wala nang bukas, ang sakit ay sobra-sobra na hindi niya maintindihan kung ano ‘yung nararamdaman niyang napakasakit.

“Ito po ay ibabalik ko kay Kris Aquino, kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos, bakit nakuha mo pa akong i-text ng milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila?

“Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo (nina Romel at Morly) mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ‘yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!

“Tapos sabi niya, ‘alam ko namang fair ka!’

“Matapos niya akong pakainin ng paghusga nang wala namang katiyakan. Ang basa ko rito, mayroon siyang gustong sabihin kay kuya Ipe at kay James Yap bilang mga ama nina Josh at Bimby na hindi niya madiretso!

“Idadaan pa sa akin dahil siguro ayaw niyang ibaba ang kanyang pride, ayaw niyang ibaba ang kanyang pagkatao na kokontakin niya ‘yung dalawang ama ng anak niya para lang magkaroon ng komunikasyon.

“Puwede naman niyang gawin ‘yun! Sabi niya kay Senator Bong Go at Jonathan So at kay Atty. Sigfried Fortun na ang number niya ay alam ni James at ni kuya Ipe at alam ni Robin ‘yung kay kuya Ipe, bakit hindi pa niya diretsuhin?

“Maling-mali, unang-una walang atraso sa akin ang mga anak mo!  Saan mo ba kinuha ang tanong na ‘yan?

“Dalawang bata bibirahin ko? Dalawang bata na hindi na nga malaman ngayon ang gagawin kung paano sila magdarasal mabuhay ka lang para huwag mo silang iwasan.

“Kris kung alam mo lang, may mga pagkakataon nga na mas mahaba pa ang dasal ko para sa iyo at para sa mga anak mo kaysa sa personal kong mga kailangan sa Diyos,” mahabang paliwanag ni nanay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Kris Aquino o ng kanyang kampo.

Netizens nagpakita ng suporta sa pagpapagamot ni Kris: Praying for her speedy recovery

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending