Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig | Bandera

Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

Reggee Bonoan |June 18,2022
facebook
share this

Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

Reggee Bonoan - June 18, 2022 - 10:08 PM

Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

HINDI pa pala nagsisimula ang gamutan kay Kris Aquino na kasalukuyang nasa Houston, Texas ngayon dahil tsine-check muna ang vital signs nito kung ano ang kayang tanggapin ng kanyang katawan.

Ito ang latest update ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na in-upload nitong Biyernes.

“Isang source ko po ang nagkuwento na ito ‘yung hospital nasa kabilang building (muwestra) sa isang facility dahil kailangan muna niyang sumailalim sa eksaminasyon ng kanyang vital signs. Kailangan naman talaga ‘yun,“ bungad kuwento ng beteranang manunulat at vlogger.

Tanong ni Morly, “So, Ate Cristy hindi pa nasisimulan ‘yung gamutan?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Vital signs muna tsine-tsek up muna kung anong kaya o anong hindi. Unang-una si Kris hindi puwede sa stereoids. Ang epekto sa kanya ng stereoids, nabibiyak-biyak ‘yung kanyang balat, nanghihina, bumabagsak,” sagot ni ‘nay Cristy.

Opinyon naman ni Romel, “Kung baga ‘nay, hinold muna siya ro’n para tingnan kung saan sila (mga duktor) magsisimula.”

“Oo, kasi baka may sumablay di ba ate Cristy?” sambit ni Morly.

Kaya ang panawagan nina nanay Cristy, Romel at Morly ay patuloy ang panalangin sa para kay Kris Aquino.

“Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig at nakararating sa langit,” say ni ‘nay Cristy.

Walang binanggit kung anong petsa nakaalis si Kris patungong Houston, Texas sakay ng pribadong eroplano na ayon kay nanay Cristy ay milyones ang inabot na gastos pero okay lang basta sa ikagaganda ng kalagayan ng nag-iisang Queen of Social Media.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring post si Kris sa kanyang social media accounts kaya sa pamamagitan na lang ng YouTube channel na Showbiz Now Na nakakakuha ng updates ang mga tagahanga at nag-aalala sa kanya dahil may direct contact si Nanay Cristy Fermin sa taong may alam kung anong nangyayari sa mama nina Joshua at Bimby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending