Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai? | Bandera

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?

Reggee Bonoan |June 11,2022
facebook
share this

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?

Reggee Bonoan - June 11, 2022 - 07:19 PM

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?
MAHINA nga ba ang benta ng concert tickets ni Vice Ganda sa Dubai, United Arab Emirates?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na kaya nakipag-meeting si Vice kay Direk Bobot Mortiz ay para pag-usapan ang show na gagawin nila sa Dubai na mismong ang direktor ang mamamahala.

Kumalat kasi ang balitang lilipat na si Vice sa GMA-7 dahil sa naganap na meeting nila ni direk Bobot na ngayo’y kunektado sa Kapuso network. Ang totoo ay mananatili ang “It’s Showtime host bilang Kapamilya star.

Anyway, nasulat nga namin na dapat ngayong Hulyo ang show pero nausog sa Agosto dahil namatay ang hari ng Dubai na si Sheikh Khalifa bin Zayed bin Sultan Al Nahyan noong Mayo 13 sa edad na 73 at inilibing kinabukasan, Mayo 14.

Sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay isa si Vice sa topic nila kung bakit sa Agosto pa ang show nito.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

 

In-anunsyo raw ng TV host na mare-reschedule ang show niya sa Dubai sa Agosto dahil pumanaw nga ang hari na si Sheikh Khalifa pero ang tunay na dahilan ay hindi mabenta ang tickets ng concert.

“Sabi niya (Vice), siyempre bilang bahagi ng lungkot, alangang magsaya tayo. Hindi ko ‘yun napanood (na in-anunsyo), pero mayroon akong source na napakatagal na panahong tumira sa Dubai, sabi niya, ‘bakit naman si Vice, ginagawa niyang mga tanga ang mga OFW at mga Pinoy sa Dubai?’

“Ang totoo pala, hindi naman totoo na ang mga shows doon ay kinansela at inire-schedule katulad ng kanya (Vice),” bungad ni nanay Cristy.

Binanggit pa ng manunulat/vlogger ang mga foreign artists na magso-show din doon tulad ng Pink Floyd, Jason Derulo at marami pa raw iba.

“Hindi po totoo na inire-schedule kasi alam naman po natin na ang kultura ng mga Muslim na kapag pumanaw sa araw na ito ay kailangan ding ilibing sa parehong araw at ang pagmo-mourn po ay tumatakbo lang ng isang linggo at puro dasal na ‘yun,” paliwanag ni nanay Cristy.

Hirit ni Romel, “So ginawa lang dahilan ‘yun (ni Vice).

“Ginawa lang dahilan iyon ni Vice kasi po hindi po gumalaw ang ticket sales,” saad pa ni nanay Cristy.

“Bakit hindi gumalaw, ibig sabihin walang bumili?” balik-tanong ni Morly.

“Kung may bumili man, hindi sapat para ituloy ang concert, alam mo kung bakit?” sabi ni nanay kina Romel at Morly na parehong nagtanong ng ‘bakit?’

“BBM/Sara pala ang mga kababayan natin sa UAE!”diretsong sabi ni nanay Cristy.

“So, imbyerna?” tanong ni Morly.

“Parang ganu’n, walang sumoporta,” saad ng host ng SNN.

Inamin naman ni Romel na napanood niya ang anunsyong ito ni Vice, “ako napanood ko at tiningnan ko nga ang mga comment, siyempre nagbasa na ako. Sabi sa comment, ‘huwag mo kaming gawing tanga! Hindi na kami tanga! Matalino na kami ngayon! Hindi na kami naniniwala sa ‘yo!”

Opinyon naman ni nanay Cristy, “kasi para gamitin mo ang pagkamatay ng isang hari at gamitin mo ‘yung mourning period hindi maganda ‘yun! Ano ba naman ‘yung aminin niya sa sarili niya na ayaw niyang ihayag sa publiko na hindi gumalaw ang ticket. Kawawa ang producer.”

“So ate Cristy, escape goat ang ginawa niya?” tanong ni Morly.

“Sana hindi na lang siya nagsalita sa Showtime na napanood ng ating mga kababayan sa Dubai at least malinis ‘yung kartada niya,” punto de vista ni ‘nay Cristy.

Payo naman ni Romel, “sana sinabi niya (Vice)’naku mga kababayan ko diyan sa UAE, hindi po gumagalaw ang ticket baka puwede ninyong bilhin para matuloy po ‘yung show!”

Singit ni Morly, “ayun, (dapat) magpaka-totoo!”

Sabi rin ni nanay, “o kaya, mga kapwa Pinoy sa Dubai, anobey ano ba ginagawa n’yo, bekenemen buy na ng ticket para tuluy-tuloy na ang saya natin diyan.”

At nasambit din ni Romel na may pagkakataon na kumanta si Vice ng kanta ng BBM, naglolokohan sila ‘yung kanta ni Andrew E (BBM/Sara supporter).

Dagdag pa ni nanay Cristy na kumalat sa vlogs ang mga sinabi raw ni Vice nu’ng eleksyon kung sino ang nagpa-martial law, sino ang nagnakaw sa bayan? Kaya galit na galit daw ‘yung mga solid na BBM sa Dubai.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Vice Ganda.

Related Chika:
Bakit P20k at P35k ang VIP tickets sa ‘Evoluxion’ digital concert ng Ex Battalion?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…

Bea: Sa 5 araw namin sa Dubai wala kaming pera, nagpapalibre lang kami kay John Lloyd ng meals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending