Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…
LABIS ang pagkadismaya ng singer na si Jed Madela dahil hindi niya mapapanood ang concert ng paborito niyang K-pop boy group na BTS.
Sa kanyang Twitter, ibinahagi ng singer na nakaplano na raw ang kanyang panonood ng BTS concert na kasalukuyang ginaganap sa SoFi Stadium, Los Angeles, USA.
Sa katunayan ay nakabili na siya ng ticket at excited na mapanood ang paboritong Korean group.
“Haaaayyy hanggang dito na lang muna ako…
“I really had plans to go to LA and watch BTS… I already had a ticket to the concert! Pero may work daw kaya Di ako makaalis,” pagbabahagi ni Jed.
Sa kasamaang palad nga, lahat ng plano niya ay hindi natuloy dahil mayroon daw siyang trabaho.
Ngunit mas lalong sumama ang loob ni Jed nang madiskubreng hindi tuloy ang trabaho na dahilan kung bakit di siya makakalipad pa-Amerika.
“Ending, di na naman pala tuloy mga sinasabing trabaho. Imagine nyo na lang sama ng loob ko ngayon,” saad niya..
Haaaayyy hanggang dito na lang muna ako…
I really had plans to go to LA and watch BTS… I already had a ticket to the concert! Pero may work daw kaya Di ako makaalis. Ending, di na naman pala tuloy mga sinsabing trabaho. 🙄 Imagine nyo na lang sama ng loob ko ngayon. pic.twitter.com/6skb35Sv80
— jedmadela ⁷ (@jedmadela) November 29, 2021
Marami naman sa mga netizens ang agad na nag-comfort sa singer.
“OMG! I remember you telling about this sa Twitter Space. Shocks! Ang sad nito. Yung next concert, wag mo na palampasin at hayaan na natin ang work dun tayo sa ikaliligaya natin haha char.”
“Oh no sir Jed. That’s truly heartbreaking. Don’t worry we will make sure to attend atleast one of their tours next year.”
“Team online nalang po muna tayo sir @jedmadela.”
May isang netizen pa ang nagbahagi kay Jed ng video na kuha niya mula sa mismong concert.
“Okay Jed, don’t be sad na. Here’s V to cheer you up. Sorry red head yung nasa harap ko I wasn’t looking at my phone screen kasi kaya waley ang focus.
He spoke good english. Love his message too.”
Isa si Jed sa mga kilalang celebrities na talaga namang lantad ang pagsuporta sa Korean group na BTS.
Pag-amin niya, isa ang BTS sa mga nakatulong sa kanya para malagpasan ang kanyang anxiety.
Related Chika:
Jed nakakaranas ng anxiety attacks; relate sa kuwento ng BTS
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.