Jed nakakaranas ng anxiety attacks; relate sa kuwento ng BTS
AMINADO ang singer at songwriter na si Jed Madela na isa siya sa mga artista na nakakaranas ng struggle kaugnay sa kanyang mental health.
Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, nag-open up ito ukol sa kanyang pinagdaraanan.
Aniya, nakapagpatingin naman na daw siya sa kanyang doktor ukol sa kanyang kalagayan.
“My doctor told me that you know, everybody goes through this situation. It just so happened siguro na masyadong magnified lang ‘yung sa atin, kasi we’re in the entertainment industry.
“Yun nga, sabi ng doktor ko, I am easily stressed out by a lot of things especially when I start to think,” pagbabahagi ni Jed.
Ani Jed Madela, ang importante naman daw ay i-acknowledge ang nararamdaman at i-acknowledge na may mga bagay na dapat gawin para maging maayos ang nararamdaman.
“Kaya ako hindi ako nahihiyamg aminin na ‘Yeah, I have anxiety issues. I had myself checked’ and if you have something line that, there’s nothing to be ashamed of. Kailangan mo talagang humingi ng tulong,” dagdag ni Jed.
Amin rin niya, bukod sa musika at paggawa ng mga larya , talagang nakatulong sa kanya ang K-Pop boy group na BTS.
Sey ni Jed, bukod sa pakikinig ng musika ng BTS, pinapanood niya rin lahat ng mga concerts at mga reality shows ng grupo. Pati nga raw mga merch ng BTS ay bumibili siya lalo na kapag may budget.
Nakaka-relate rin daw siya sa BTS dahil may pagkakatulad sila lalo na sa naging journey nila sa industriya.
“Nakita ko na ang daming pinagdaaanan nila na pinagdaraanan ko rin at napagdaanan ko rin before. Nag-start rin sila nang walang-wala, na sila mismo nagbebenta ng sarili nila. Sila naglalako ng tickets nila or flyers nila and I saw myself in clarity,” kuwento ni Jed.
Kuwento pa niya, dati raw ay naranasan niya na mag-mall show noong mag-uumpisa pa lang siya na walang nanonood dahil hindi siya kilala.
“Before ako mag-mall show, iikot muna kami, mamimigay muna kami ng flyers para may manood sa show ko. Tapos may [magtatanong] ‘Sino to?’, ‘Ay bagong artist po ‘yan’. Hindi nila alam ako pala [‘yung] magpe-perform maya-maya.”
Doon nga ay nakita niya ang malaking pagkakatulad ng kanilang istorya na nagsimula sa wala hanggang sa makilala na sila sa industriya na talagang nakaka-inspire para kay Jed.
“I do things to make me happy and not make other people happy. Kasi dati, you do things para sumaya ang ibang tao and sometimes you already forget what makes you really happy,” saad ni Jed.
Related Chika:
Jed, Nikko, Francine, Jayda planado na ang mga gagawin sa ‘ECQ season 3’
Jed, Nyoy, Louie umaming napakahirap ng trabaho bilang hurado sa ‘TNT’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.