Jed, Nikko, Francine, Jayda planado na ang mga gagawin sa 'ECQ season 3' | Bandera

Jed, Nikko, Francine, Jayda planado na ang mga gagawin sa ‘ECQ season 3’

Ervin Santiago - August 09, 2021 - 09:53 AM

Francine Diaz, Jayda Avanzado, Jed Madela at Nikko Natividad

NASA 4th day na ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine o ECQ sa National Capital Region (NCR) at ilang mga probinsya dahil sa bigla na namang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Kaya naman balik na naman ang mga residente na apektado ng lockdown sa “house arrest” status na nagsimula nga nitong Aug. 6 at tatagal hanggang Aug. 20.

May mga sumang-ayon sa muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila at kalapit probinsya pero may mga kumontra rin dito nang bonggang-bongga.

At dahil nga rito, tigil na naman ang mga live shows at lock-in taping sa showbiz bilang pagsunod sa mga health and safety protocols.

Sa online show naman ng Star Magic na Inside News, natanong ang ilang Kapamilya stars kung ano ang plano nila sa muling pagpapatupad ng ECQ.

Ayon kay Jed Madela, “Ang gagawin ko po, ako ay mananatili sa bahay namin at ita-try ko pa rin na maging productive. Ang gagawin ko, tututukan ko ang paggawa ng art toys.”

Sey naman ni Nikko Natividad, “Kailangan ko pa rin kumayod, magtrabaho dahil wala naman akong choice. Kahit sinabing ECQ ay tumatanggap pa rin ako ng trabaho dahil ‘di naman pwedeng huminto. Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-ingat.”

“Magla-lock-in taping po ako. Pagkatapos ng lock-in taping ay uwi pa ako ng bahay at kung may chance na makapagpa-vaccine ay magpapa-vaccine po,” sagot ni Yamyam Gucong.

Paghahandaan naman ni Karina Bautista ang pagbabalik niya sa pag-aaral, “Magbabalik-aral na ako for school year 2021-2022. I will also be looking for more ways to be close to our Lord. So mayroon akong Bible study group.” 

Tututukan naman ng The Gold Squad member na si Francine Diaz ang kanyang kalusugan habang naka-lockdown at “nakakulong” sa kanilang bahay.

“Ako naman ang gagawin ko ngayong ECQ ay matutulog ako ng maaga at gigising ako ng maaga para makapagpaaraw ako sa labas. Dahil sabi nila may vitamin ang sun at nakakadagdag ito ng lakas sa ating resistensiya. 

“Kaya naman mga Kapamilya, always stay safe and stay healthy and follow safety protocols. Let’s all pray na matapos na ang pandemic na ito,” sey ni Francine.

Pahayag naman ni Jayda Avanzado, “Ngayong ECQ part 3 balak ko talaga mas magsulat ng maraming kanta. I’ve always found music to be the perfect outlet for me and my emotions, especially sa mga panahon na katulad nito. Kaya ngayon mas icha-challenge ko ang sarili ko na mas maging creative.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, anu-ano ang balak n’yong gawin ngayong lockdown season na naman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending