Bea: Sa 5 araw namin sa Dubai wala kaming pera, nagpapalibre lang kami kay John Lloyd ng meals | Bandera

Bea: Sa 5 araw namin sa Dubai wala kaming pera, nagpapalibre lang kami kay John Lloyd ng meals

Reggee Bonoan - May 30, 2021 - 05:01 PM

SA latest vlog ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel ibinahagi niya ang kanyang “My Top 10 Travel Destinations”.

Habang nagba-browse siya ng kanyang travel pictures ay nagbalik-tanaw siya sa mga napuntahan niyang mga lugar na hinding-hindi niya makakalimutan.

“I miss to travel na dire-diretso ang flight, I miss meeting new people, learn about different cultures and being able to try new cuisines. So I created a video for my top 10 destination,” bungad na sabi ng aktres.

Una niyang binanggit ang City of Love, ang Paris France noong 2012 kung saan daw niya natikman ang masarap na kape, ang baguette at ang croissant bread with butter at wine.

“It’s the best,” sambit ng dalaga.

“The first time I saw the Eiffel (Tower), hindi ako nag-exagerate umiyak talaga ako lalo na nu’ng nag light up siya sa gabi. Nakikita ko lang sa movies before and then nandoon sa personal right before my eyes, parang feeling ko I have arrived.”

Nabanggit din ni Bea ang Montmatre, ang Louvre Museum, at ang Notre Dame Cathedral na ayon sa kanya ay dapat mamasyal siya rito kasama ang kanyang boyfriend pero hindi natuloy dahil nagkahiwalay na sila na hindi naman binanggit kung sino.

Ang ikalawang bansang paborito niya ay, “Dubai, kasi ang babait ng mga Pilipino ro’n. I love the Dubai Desert Safari, complete experiences, you can see the dune, go on Camel rides.

“Ang food nila super sarap, Henna painting, Burj Khalifa tallest building in the world, Burj Al Arab, the only 7-star hotel in the world, and I also love their shopping mall, the Dubai Mall largest mall in the world na may malaking aquarium na I can see underwater sea creatures, nagpa-picture rin ako sa at Jumeirah Beach,” aniya pa.

At ang hinding-hindi niya makakalimutan ay ang talent fee niya noong nagpunta sila ng Dubai ay ipinambili ng mama niya ng gold para sa kanilang magkakapatid dahil wala pa siyang credit card noon.

“Sa limang araw namin sa Dubai wala kaming pera at sumasama lang kami kay John Lloyd Cruz para magpalibre ng meals at binayaran naman namin siya pagdating sa Manila.

“And after that nag-apply na kami ng credit card at lesson learned ni mama, dapat sa first day hindi mo dapat muna ginagastos ang pera mo,” natatawang kuwento ng aktres.

Ikatlong bansang paborito niya ay ang Prague (Czech Republic), “Gusto ko sana pumunta with the jowa kaso sabi sa akin, ‘never stop the idea of going there with someone, let yourself experience new things and go to new places kahit kaibigan lang ang kasama mo o mag-isa ka’. And I’m so glad that I listen because I had such beautiful experience being in Prague and it’s so cheap to go there.”

Sabay sabing, “So, dapat pagpunta ko roon kasama ko na ang special someone ko. Ha-hahaha! Ang baduy?”

Ikaapat sa list niya ay ang Germany, “I went to Germany to shoot ‘A Love to Last’ with kuya Ian (Veneracion).  Hindi ko alam kung dahil sa Germany o dahil ang saya-saya ng grupo namin. Munich is so beautiful, nag shoot kami November so may mga Christmas Village and the most beautiful I’ve seen in my life.”

Maraming lugar pa sa Germany ang binanggit ng aktres at ang sabi niya ay “must see” kapag may mga anak na para malaman ang history nito.

Panglimang bansa ay ang Copenhagen, Denmark, “I read somewhere na it’s the happiest country in the world because of their half system, education na almost free mong makukuha though they pay the highest taxes in the world but nakukuha naman nila pabalik ‘yung benefits.”

Sinundan ng Amsterdam na must see rin para sa kanya dahil sa magagandang tanawin nito sa iba’t ibang cities.

Pangarap pala nina Bea at ng mama niya na magkaroon ng property sa Japan kaya ito ang pampito niya dahil sa ganda ng klima at mga lugar at masasarap na pagkain.

Nabanggit din niya ang Vienna (Austria) na pangwalo sa list ng aktres, “I went to Vienna for A Beautiful Affair with John Lloyd.  I fell in love immediately of the place, it’s the home of Mozart (composer). Nag-shoot din kami kung saan nag-shoot ang Sound of Music kaya feeling ko ako si Julie Andrews.”

Marami pang lugar na binanggit ang aktres na sobrang ganda nga naman para balik-balikan.

Ang Oslo, Norway naman ang ikasiyam na binanggit ng aktres, “Kasi napakalinis nila. Pagdating ko doon kasi uhaw na uhaw ako and I was asking for water and they found ridiculous for me to ask water because apparently they drink their water from the faucet, ganu’n siya kalinis. And I also able to see the Northern Lights in Tromso so I will never forget that.”

At ang pinakahuli ay ang Florence, Italy, “I fell in love with the place I don’t know why parang lahat comforting sa akin, it’s says art,  gelato, pasta. Lahat ng artist doon sa street nagpe-perform, nagpe-paint. Lahat ng kinainan namin masarap,” kuwento ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa niya, ang mga bansang Switzerland, Greece, Turkey, Vietnam, Iceland, Finland ang gusto niyang puntahan pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending