Jennylyn binalikan ang pagiging ‘extra’ sa serye nina John Lloyd at Bea

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado
KNOWS n’yo bang naging bonggang “extra” noon sa teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado?
Inalala ni Jennylyn ang kauna-unahan niyang TV appearance ilang taon na ngayon ang nakararaan, kung saan nakaeksena nga niya ang premyadong aktor na si John Lloyd.
Napanood namin sa isang vlog ng GMA Network ang mga luma at throwback videos ni Jennylyn kabilang na ang pag-appear niya sa ABS-CBN drama series na “Kay Tagal Kang Hinintay.”
Nagsimulang umere ang naturang programa noong 2002 at tumagal hangang 2003. Nakasama rito nina John Lloyd at Bea sina Lorna Tolentino, Edu Manzano at Shaina Magdayao.
“‘Yung eksena namin ni John Lloyd, ito ‘yung pinakauna kong guest appearance sa TV. Wala pa ako sa StarStruck noon.
View this post on Instagram
“So parang ang Tita Becky (Aguila, talent manager) ang sabi lang e, kailangan ng kaeksena ni John Lloyd,” chika ni Jennylyn.
Naloka raw siya nang sabihin sa kanya ng production staff kung ano ang gagampanan niyang role sa “Kaytagal Kang Hinintay”.
“Akala ko naman extra lang ako, maglalakad lang ako ganyan tapos mag-hi or nabangga lang. ‘Di ko naman alam na pagseselosan pala ako ni Bea dito with English lines,” ang natatawang sey pa ni Jennylyn.
At lalo namang hindi in-expect ng misis ni Dennis Trillo na makalipas ang mahigit isang dekada ay muli silang magkakatrabaho ni John Lloyd.
And this time sila na ang mag-partner. Ang tinutukoy naming ay ang romcom movie na “Just The 3 Of Us” na ipinalabas noong 2016 under Star Cinema.
Inamin ni Jen noon na matinding pressure ang naramdaman niya habang ginagawa nila ni Lloydie ang “Just the 3 of Us”, ”Oo naman grabe ‘yung pressure pero siyempre ayokong mag-expect ng kahit ano.
“Hindi rin ako nagi-expect ng kahit ano pero siyempre ‘yung mga ginawa niyang pelikula puro blockbusters so nakakatakot baka hindi ko mapantayan,” ani Jen.
Dagdag ng aktres, “Medyo matagal po talaga akong nakakapag-adjust, hindi lang sa set, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.