John Lloyd Cruz 'tumanggi' sa reunion movie nila ni Bea Alonzo

John Lloyd Cruz ‘tumanggi’ sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, anyare?

Reggee Bonoan |February 23,2024
facebook
share this

John Lloyd Cruz ‘tumanggi’ sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, anyare?

Reggee Bonoan - February 23, 2024 - 03:09 PM

John Lloyd Cruz 'tumanggi' sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, anyare?

PHOTO: Instagram/@johnlloydcruz83

HINDI na matutuloy ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Base ito sa report ng programang “Cristy Ferminute” ngayong February 23 na napakinggan sa Radyo 45, 92.3 TRUE FM.

Ayon kina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika, tinanggihan kasi ng aktor ang matagal nang pina-planong pelikula sana nila ni Bea.

At as of this writing ay hindi pa alam ang dahilan kung bakit umayaw si Lloydie.

Naging household name ang mga pangalang Popoy at Basha nina JLC at Bea sa 2007 movie na “One More Chance” na idinirek ni Cathy Garcia- Sampana for Star Cinema na kumita ng P152.7 million.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz…paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari?

Kuwento ni ‘nay Cristy, “Mabubulabog na naman ang ating mga kababayan dahil sa kwentong ito dahil tumanggi po si John Lloyd Cruz na gawin ang reunion movie nila ni Bea Alonzo.  E, di ba (tanong kay Romel Chika) ang tagal nang nasusulat at napababalita na gagawa ulit sila ng pelikula bilang pagkakaisa ulit ng mga nakaraang nilang mga tagumpay na pelikula.”

Oo naman halos lahat ng pelikulang pinagsamahan nina Loydie at Bea ay kumita kaya naman maraming nagre-request na gumawa ulit ang dalawa ng proyekto together.

Nagtataka rin si Romel Chika kung bakit hindi natutuloy dahil wala namang problema sa pagkakaalam niya at matagal nang sabik ang supporters ng Bea-Lloydie.

Base naman sa mga reaksyon ng loyal listeners at viewers ng “Cristy Ferminute” sa OnePH YouTube channel ay baka umiiwas muna si Lloydie sa mga isyu dahil sa nangyayari ngayon kay Bea at higit sa lahat, tahimik ang lovelife ng aktor baka madamay pa.

Napag-usapan din ng CFM hosts kung bakit hindi nagkaroon ng relasyon sina Bea at JLC gayung preho naman silang single sa mga panahong gumagawa sila ng pelikula at sapantaha ni ‘nay Cristy ay baka kasi hanggang magkaibigan lang ang tingin nila sa isa’t isa.

“Sadyang ganu’n na may dalawang puso na hanggang magkaibigan lang, may unang kita pa lang pak mayroon na agad (spark) ‘di ba? Swak na swak na kaagad,” sey ni ‘nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, marami pa ring ang umaasa na isang araw ay matuloy ang reunion movie nina Popoy at Basha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending