Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz...paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari? | Bandera

Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz…paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari?

Ervin Santiago |July 13,2023
facebook
share this

Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz…paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari?

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 06:26 AM

Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz...paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari?

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

WALANG pag-aalinlangang inamin ni Bea Alonzo na may pagkakataong naitanong din niya sa kanyang sarili – “what if naging sila ni John Lloyd Cruz?

In fairness, isa ang tambalang Bea-Lloydie na talagang masasabing naging phenomenal sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Sa bagong vlog ni Bea sa YouTube, napaamin siya na sumagi rin sa isip niya noong kasagsagan ng kasikatan ng loveteam nila ni John Lloyd kung ano kaya ang nangyari kung naging magdyowa sila.

Ang Kapuso hunk na si David Licauco ang guest ni Bea sa nasabing vlog kung saan natanong nga sa “Lie Detector Challenge” ang binata kung naisip ba niya na maging sila ng ka-loveteam niyang si Barbie Forteza sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“No” ang isinagot ni David pero ayon sa lie detector result, nagsisinungaling siya. Kaya naman medyo naka-relate rito si Bea dahil nga sa nangyari sa kanila noon ni Lloydie.

“I’m sure it’s inevitable. Kami ni John Lloyd, we were never romantically involved, but of course, sometimes naiisip ko ‘yun na, ‘Oo nga no? Paano nga kaya?’” pahayag ng girlfriend ni Dominic Roque.

Paliwanag pa ni Bea, tulad sa sitwasyon nila ni John Lloyd noon at sa current situation nina David at Barbie na girlfriend naman ni Jak Roberto, hindi naman daw ibig sabihin na naiisip nilang i-date ang screen partner nila ay ganu’n talaga ang nangyayari in real life.

Baka Bet Mo: John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

“It doesn’t mean that you will act on it or upon it, ‘di ba? Parang, it just makes you think too,” sey ng aktres.

Nauna rito, sinabi rin ni Bea na mukhang imposible pang mangyari ang reunion project nila ni John Lloyd.

“Marami na, marami nang actually na-offer sa amin. Kaya lang…siyempre pareho kaming may say, e.

“Even if I say ‘yes’ to doing it, if he doesn’t like to do that specific project, hindi siya matutuloy. So, dapat siya ang tanungin nyo. Ha-hahahaha!” sey ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ng aktres depende pa rin talaga sa material at sa availability nila ni John Lloyd, “Yes, yes! Of course he has things that he wants to do. Marami siyang ideas.

“Na siguro because matagal na kaming hindi nagkakasama sa isang project, baka magkaiba na yung idea namin on what to do. Pero I’m sure, one day, magmi-meet din yung ideas namin at yung mga minds namin. After all, we’re very good friends.

“In fact, pumunta pa nga yun nung Larawan, nu’ng nag-perform ako sa teatro. Hindi ko inaasahan. So, at the end of the day, kaibigan ko si John Lloyd. So magka-project man kami o hindi, mahal ko si John Lloyd,” pahayag ng aktres.

Ilan sa mga blockbuster movies nina Bea at John Lloyd ay ang “One More Chance” (2007) at ang sequel nitong “A Second Chance” (2015), at “The Mistress” (2012).

‘Big blessing’ para kay Bea ang pagiging Kapuso; makatambal kaya uli si John Lloyd sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reunion movie nina Bea at John Lloyd imposible pang mangyari: ‘Even if I say yes if he doesn’t like to do that project hindi siya matutuloy’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending