True ba, Bea Alonzo hindi nag-'yes' nang mag-propose si Dominic Roque dahil hindi pa raw siya ready? | Bandera

True ba, Bea Alonzo hindi nag-‘yes’ nang mag-propose si Dominic Roque dahil hindi pa raw siya ready?

Reggee Bonoan |July 11,2023
facebook
share this

True ba, Bea Alonzo hindi nag-‘yes’ nang mag-propose si Dominic Roque dahil hindi pa raw siya ready?

Reggee Bonoan - July 11, 2023 - 02:48 PM

True ba, Bea Alonzo hindi nag-'yes' nang mag-propose si Dominic Roque dahil hindi pa raw siya ready?

Dominic Roque at Bea Alonzo

ANO kaya ang pumipigil sa aktres na si Bea Alonzo para magpakasal sa boyfriend niyang si Dominic Roque at bumuo na ng sariling pamilya?

Nakasaad kaya sa kontrata na pinirmahan ng aktres sa GMA 7 na bawal pa siyang mag-asawa?

Kaya namin ito naitanong ay dahil napag-uusapan na naman nina Bea at Dom ang kasal at magaganda ang plano nila lalo na ang binata na handang-handa na talagang bumuo ng pamilya.

Pero kapag natatanong na ang aktes kung handa na ba siyang lumagay sa tahimim ay bigla siyang natitigilan kasunod ang pag-iling.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


Sa mga pagtitipong dinadaluhan nina Bea at Dom ay ito rin ang laging tinatanong sa kanila at magtitinginan daw ang dalawa at ngingiti lang.

Naisip namin na baka may kinalaman ito sa kontrata niya sa GMA 7 pati na sa mga produktong ineendorso niya.

Dahil kung tungkol naman sa pamilya ng aktres ay gustung-gusto na nga siyang mag-asawa at balita rin naming hinihiritan na siya ng kanyang Mama Mary Ann Ranollo ng apo pero tatawa lang daw ang dalaga.

Baka Bet Mo: Iya takot na takot bumuo ng pamilya noon, hirit ni Drew: ‘Gusto mo ba ng mansiyon at ng magarbong buhay?’

In an interview with entertainment reporter MJ Marfori posted on her TikTok page on June 13, the couple briefly talked about their Instagram snaps that sparked engagement speculations due to their romantic venue and setup.

Kamakailan lamang ay nilinaw din nina Bea at Dominic ang lumabas na balitang engaged na sila base sa naglabasang mga litrato nila sa social media.

“Actually, mukhang engagement talaga pero it was 2021 pa, ‘yung picture namin na ‘yun. Late lang lagi talaga akong mag-post,” sabi ni Dominic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


“Late post lang, but that doesn’t mean we’re engaged in 2021, hindi. Just to clarify, we’re not engaged,” paglilinaw naman ni Bea.

At tungkol nga sa kasalan, ang pahayag ni Dom, “Yes, it will. It will be next. Soon.”

Anyway, trulili kayang nag-propose na si Dominic kay Bea pero ang sagot daw nito sa binata ay hindi pa siya ready?

Any word from Dom at Bea? Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging pahayag hinggil sa isyung ito.

Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing ‘late’ na siya sa pagpapakasal: Best decision ever!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending