Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba

Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

Reggee Bonoan |May 22,2023
facebook
share this

Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

Reggee Bonoan - May 22, 2023 - 11:10 AM

Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

IPINAGPASA-DIYOS ng TV host at komedyana na si Melai Cantiveros na sana’y may mag-back out na pasahero sa eroplanong sasakyan nito kahapon, Linggo ng umaga.

Na-late kasi ng dating si Melai at ang  kasama niya sa airport kaya wala na siyang inabutang slots at sa sobrang lungkot ay napaupo na lamang siya sa baggage check-in conveyor dahil inaalala nito ang natanguang raket sa isang probinsya.

Ipinost nito ang larawang nakaupo siya baggage check-in sa kanyang Instagram account.

“Jetsetter Face of mine [smiling face emoji] patuloy lang ng pagbiyahe kahit namutla na in the name of raket,” sa kanyang caption.

Baka Bet Mo: Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng ‘panget’ at ‘mukhang anito’: ‘Mean ba ‘to o totoo?’

Ayon pa sa kanya, mabuti nalang at hindi siya nawalan ng pag-asa dahil may biglang nagkansela ng flight kaya nakasakay rin siya ng eroplano.

“Shout out to the Lord Jesus Christ dahil he always moves in mysterious ways, late na kasi kami and wala na slot na seats kasi punuan and baka malipat ng flight sa Davao,” sey ni Melai.

Chika pa niya, “Nag-pray ako na sana Lord makasakay kami, at hayun na nga Prayer granted kasi may nag back out na dalawa na passenger na naka-book na nakapila na pasakay plane kasi igragrab niya ang rebooking na bukas flight dahil may sakit mama niya.”

“‘Di niya mag-rebook kasi mahal na ang ticket ng rebooking sila mag-asawa kaya grabe nakaka-amaze ka Lord . All we have to do is to TRUST,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Umani naman ng sari-saring reaksyon ang post ni Melai at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

Ayon kay @mahal_jp89, “Salamat sa Pagtambong sa Moms Squad event Momshie Melai. puhon na pud sa sumusunod pa nga event. God bless you.”

Gayun din si @jocelpablo, “ALL GLORY TO GOD!”

Sabi ni @reynalove_queen, “Blessings always be with you Mamshi!!!”

Mula kay @etincortel, “Amping mo Lai God is with you always.”

May nagbiro na excess baggage raw si Melai, @icon0304, “Madam @mrandmrsfrancisco excess ka dw sa timbang wala na dw mahimo si kuya, bahala ka dw diha. Mao ning churaha ang reason ngaa gipasakay na lng bitaw ka kay luoy kayo.”

Narito ang ilan pang komento ng netizens.

“Hindi pwedeng trust lang, agahan kasi dapat punta sa airport!!! Tsaka bawal umupo diyan sa kilohan!! Special treatment nanaman kasi celeb.”

“Thank You Lord. Blessings in disguise. Ingat lagi Momshie!”

“Not a good example. We all know bawal ‘yan so better not do it or gayahin.”

“Maganda ka pa rin momshie! Have a safe flight!”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lee O’Brian ‘wish’ na maging maayos na ang isyu kay Pokwang: I always have love for the mother of my child

Carla, Tom tuloy na ang dream wedding bago matapos ang 2021; Max inatake ng matinding nerbiyos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending