Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng 'panget' at 'mukhang anito': 'Mean ba 'to o totoo?' | Bandera

Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng ‘panget’ at ‘mukhang anito’: ‘Mean ba ‘to o totoo?’

Ervin Santiago |April 24,2023
facebook
share this

Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng ‘panget’ at ‘mukhang anito’: ‘Mean ba ‘to o totoo?’

Ervin Santiago - April 24, 2023 - 10:57 AM

Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng 'panget' at 'mukhang anito': 'Mean ba 'to o totoo?'

Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros

TAWANG-TAWA kami sa Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros nang basahin ang ilang hate message sa kanya ng mga bashers sa social media.

Grabe ang mga mean comments ng ilang netizens kay Melai na isa-isa nga niyang binasa sa episode ng ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay” last week.

Pero sa halip na magalit at ma-offend ay tinawanan pa ng komedyana ang sarili at sumang-ayon pa nga sa mga haters na nanlait sa kanyang itsura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Simulang hirit ni Melai bago basahin ang mga lumang tweet patungkol sa kanya, “Manggigil ako dito. Baka kilala ko ‘tong mga nambash sa akin.” Na ikinatawa naman ng kanyang mga co-host na sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez.

“Ang panget ni Melai Cantiveros masyado na syaang O.A sa kapangitan kasura yung muka nya!” ang unang tweet na binasa ng komedyana.

Baka Bet Mo: Kim rumesbak sa basher na tumawag ng ‘panget, mukhang basurero’ kay Jerald

Pagpapatuloy pa niya, “Ang panget ni Melai Cantiveros, ano ba to? Mean ba to o totoo? Ha-hahaha!” Halakhak din to the max si Momshie Regs at Momshie Jols.

“Hindi naman ‘to mean ha! This is reality! Chareng!” ang pang-ookray pa ni Melai sa sarili.

Binasa ni Melai ang sumunod na hate comment sa kanya ng isang basher, “Pangit talaga ni #Melai Cantveros nakakasira xa ng production number mukhang xang anito! Ha-hahaha! Huy grabe naman!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


“Bakit may apelyido? Baka masama pa yung mga Cantiveros clan sa GenSan (General Santos),” ang tawa pa ring tawang hirit ni Melai.

Nang makita niya ang grabeng pagtawa nina Regine at Jolina, bigla siyang nag-dialogue na, “Grabe rin yung tawa niyong dalawa. Nanggigil din ako sa inyo dalawa imbis na ipagtanggol niyo ‘ko, pinagtawanan niyo lang ako.

“Feeling ko ‘yung isa, Jason. Ito isa mama ko. Keep it up,” pahabol pang biro ni Melai na lalo pang ikinahagalpak ng kanyang co-hosts at ng iba pang kasama nila sa studio.

Hirit pa ni Melai, “Pero okay lang naman ‘yun kasi may mga ganun talaga. Minsan nagpapaligaya din ‘yun sa atin kasi nakakatawa.”

Sey naman ng Asia’s Songbird kay Melai, “Pero gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ka panget, maganda ka.”

Para naman kay Jolina, talagang bahagi na ng buhay ng mga celebrities ang pamba-bash ng mga netizens, kaya ang mensahe niya sa mga bastos at laiterang sa socmed, “Sa lahat ng mga nag-tweet niyan, God bless po sa inyo.”

Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending