Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget
NEVER daw naramdaman kahit kailan ng Kapamilya actress at singer na si Sue Ramirez na hindi siya maganda at wala siyang kuwenta.
Isa si Sue sa mga youngstars ngayon na kahit may pandemya ay patuloy pa ring nabibiyayaan ng maraming trabaho, mapa-teleserye man, digital movies o endorsements.
In fairness, tuhog ng dalaga ang dalawang bonggang teleserye ng ABS-CBN. Una na nga riyan ang pagganap niya bilang mistress sa “The Broken Marriage Vow”, ang Philippine remake ng hit BBC series na “Doctor Foster” at Korean drama na “The World of the Married”.
Makikipagtalbugan siya ng akting dito kina Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria. Bukod nga rito, bibida rin siya sa upcoming series na “Boyfriend #13.”
Isa sa mga sikreto ng dalaga kung bakit napakaganda at napakagaan lagi ng kanyang aura ay dahil sa sinusunod niyang mantra sa buhay — kailangan lang ng self-confidence at positibong pananaw sa mga bagay-bagay.
“Ang ganda-ganda n’yo. Walang panget sa mundo. Walang ginawa ang Diyos na panget. Magtiwala lang kayo. Just trust and believe in yourself and everything follows,” ang palaging ipinapaalala ni Sue sa mga kaibigan, fans at followers niya sa social media.
In fairness naman talaga sa young actress, noon pa man ay talagang super confident na siya sa kanyang sarili kaya naman sa kabila ng mga bashers tuloy lang ang pagpo-post niya ng kanyang sexy bikini photos sa socmed.
“I don’t think I felt not beautiful. Medyo malakas ang ating support system and everybody makes me feel confident and everybody supports me.
“Luckily, hindi ko naman naramdaman sa sarili ko yun (insecurity or self-doubt). But to everybody who feels that way, I will tell you, you are beautiful, in what every way it is,” pahayag pa ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.
Payo pa niya sa lahat ng mga kabataang nawawalan ng kumpiyansa sa sarili, kailangan daw sarili mo muna ang una mong maging fan and supporter.
“Beauty is in the eye of the beholder so we cannot please everybody with how we look.
“Not everybody will appreciate the beauty that we have but if we learn to appreciate it on our own, I don’t think that there will be a time that we will not feel beautiful. Ikaw yun eh. It’s a feeling.
“Beauty is not actually a trait. It’s a feeling. So if you feel beautiful, you are beautiful. It comes from within,” lahad pa ng Kapamilya star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.