Jodi nahirapang makabalik sa showbiz matapos piliin ang love kesa career
HINDI naging madali para kay Jodi Sta. Maria ang makabalik sa limelight ng showbiz matapos niyang piliin ang lovelife over her career.
Aminado si Jodi na parang nagsimula uli siya sa wala nang magdesisyong balikan ang iniwang career nang magpakasal siya kay Pampi Lacson at bumuo ng sariling pamilya sa Amerika.
Binalikan ng Kapamilya leading lady ang pagsisimula niya sa entertainment industry hanggang sa iwan ang showbiz career sa panayam sa kanya ng Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang YouTube channel.
“Siguro when I was starting, ang gusto ko lang naman is parang kahit paano makilala ka. Kasi nu’ng nag-start naman ako hindi ko naman talagang naging pangarap maging artista.
Baka Bet Mo: Miles Ocampo umiiyak na nagmakaawa sa ‘Eat Bulaga’ matapos matsugi: Sana bigyan n’yo pa ako ng chance na makabalik
“Pero ang passion ko po is mag-perform. Mahilig ako sumali sa mga contest sa school kasi feeling ko mayroon akong sarili kong world and feeling ko lahat posible doon sa world na meron ako kapag nagpe-perform ako,” pahayag ni Jodi.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng nagkaroon ng opportunity nag-audition ako at awa naman ng Diyos natanggap. And then ang goal ko lang at first is parang paano ba ba ako makilala so kailangan ko ng exposure.
“Ang nangyari po nu’n kaliwa’t kanan, tanggap ka lang nang tanggap ng trabaho. ‘Yung hindi ka na nga nila tatanungin eh kung gusto mo ba tanggapin, o bukas may taping ka.
“Papadala na lang diyan ‘yung call sheet so kahit wala pong tulog okay lang kasi kailangan kahit papaano makilala ako ng mga tao,” pag-alala pa ng lead star ng Kapamilya series na “Lavender Fields.”
Hanggang sa mag-decide na nga siyang iwan ang showbiz para mag-asawa, “Ito ‘yung time naman na pinili ko naman ‘yung love over career. So iniwan ko po ‘yung showbiz, nagpakasal ako, nagkaroon ako ng Thirdy (anak kay Pampi), after nu’n bumalik ako ulit ng Philippines so nag-work po ako.”
“Nu’ng time na ‘yun kasi may naiwan ako na show. Nu’ng pagbalik ko from the States ang sabi ko pwede ko po bang balikan ‘yung naiwan kong hosting job. Ang sabi sa akin nun I remember na, ‘It does not work that way.’
“Hindi pwedeng aalis ka, iiwanan mo isang bagay, eh pagbalik mo, i-expect mo na nandun pa rin. Hindi ganun sa showbiz. ‘Pag umalis ka there will always be somebody who will take your place and ganu’n na nga po ‘yung nangyari,” pag-amin ni Jodi.
Anim na taon daw siyang naghintay bago nakabalik nang bonggang-bongga, “What I did I had to reestablish myself and that parang re-establishing is parang I was starting from scratch.
“So ilang taon po ‘yun from 2006 until first quarter ng 2012 so six years po ‘yun na parang na sige balik support po ulit.
“Ang sabi ko na lang nag-ienoy naman po ako, and wala naman akong problema na gumawa ng character roles or support roles, kasi mahal ko naman po ‘yung ginagawa ko, passion ko ‘yung pag-arte,” pahayag pa ng aktres.
Taong 2012 nang ibigay sa kanya ng ABS-CBN ang hit series na “Be Careful With My Heart” kasama si Richard Yap, “Pagkatapos nu’n nagbago naman ‘yung trajectory ng career from 2012 hanggang sa nagdere-derecho na po ‘yun.”
View this post on Instagram
Dugtong pa niya, “Naniwala ako eh, na darating din ‘yung time ko. It was just a matter of when pero hindi po ako parang pinanghinaan ng loob. Nag-intay lang po ako nang nag-intay.
“One day mano-notice n’yo rin ako. One day mabibigyan din ako ng leading role. ‘Yun po naghintay lang. So nag-pay off naman ‘yung waiting.
“Naniwala po ako na lahat ng nangyari sa akin, lahat ng experiences ko, tumulong po ‘yun para humubog dun sa pagkatao ko na kakailanganin ko para du’n sa bagong yugto ng life ko kasi kung hindi ko na-experience ‘yung lahat ng nangyari sa akin, siguro iba ‘yung perspective ko,” saad pa niya.
Sa huli, nagpasalamat si Jodi sa Diyos, “Du’n sa waiting period na ‘yun si God talaga really helped develop ‘yung character na kinakailangan.
“‘Yung waiting period was necessary na pagdumating ‘yung blessing na iha-hand sa ‘yo ni Lord, hindi mo siya sasayangin, kumbaga magiging thankful ka, iingatan ko ‘to, iki-keep ko ‘to,” sabi pa ni Jodi Sta. Maria.
Umaani ngayon ng papuri si Jodi sa napakagaling na performance niya sa “Lavender Fields” kasama sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.