Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko | Bandera

Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko

Ervin Santiago |April 07,2022
facebook
share this

Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko

Ervin Santiago - April 07, 2022 - 08:10 AM

Jason Francisco, Melai Cantiveros, Mela at Stella

NAGING emosyonal ang Kapamilya TV host at aktres na si Melai Cantiveros sa ginanap na birthday celebration niya sa “Magandang Buhay” kahapon.

Sa unang bahagi ng programa ay naging riot at puno ng tawanan ang selebrasyon ng ika-34 kaarawan ni Melai at talagang hataw kung hataw ang pagsayaw niya ng “Amakabogera.”

Ngunit nang balikan na nga ng komedyana ang mga naging karanasan niya mula noong bata pa siya, nang magdalaga hanggang sa makapasok sa showbiz at magkaroon ng sariling pamilya ay hindi na niya napigilan ang maluha.

Lalo na nang ibahagi na niya sa manonood ang pinagdadaanan ng kanyang pamilya dahil sa amang si Dionisio.

“Mahirap talaga sa isang anak. Ito ‘yung isa talaga sa mga kinatatakutan natin na mangyari sa buhay natin ‘yung mga magulang natin, hindi ba?

“Pero masakit mang kuwanin (isipin) ire-ready mo ang sarili mo kasi ipinahiram din sa iyo ni Lord. So dahan-dahanin mong ia-accept. Sa pamilya namin ako talaga ‘yung strong-strong.

“So laban lang, kasi the more na ipi-feel mo ang sakit mo, the more na dadami siya. Kaya kami sa pamilya, ako pa-strong-strong.

“Ayaw kong umiyak dito kasi nga makita niya na umiiyak ako, mai-stress na naman siya, kaya ayaw kong umiyak. Puwedeng pa-cut na lang ito. Isa ‘yon sa mga reason,” dire-diretsong pahayag ni Melai.

Hindi naman siya nagdetalye kung ano talaga ang karamdaman ng ama, “Ako magpaka-honest ako sa nararamdaman ko. Bilang anak ng papa ko, anak din ng Diyos, alam naman natin na talagang lahat ng mga mahal natin sa buhay ay hinihiram talaga natin.

“So ngayon i-enjoy namin ang family time namin kasama ang aming papa sa pag-uwi namin,” aniya pa kasabay ng pagpapasalamat sa ABS-CBN management dahil pinayagan siyang umuwi sa General Santos City para makapiling muli ang kanyang tatay.

Pahayag pa ng komedyana, “Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Magdarasal ako para sa papa ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Samantala, bago matapos ang programa ay sinorpresa naman ni Ruffa Gutierrez sa studio si Melai. Naging close ang dalawa nang maging hurado sila sa “Reina ng Tahanan” segment ng “It’s Showtime”.

“Ang wish ko kay momshie Melai ay ipagpatuloy mo ang success mo. Sana lalong maging successful ang career mo. More babies, never change in spite of your success and more projects,” mensahe ni Ruffa kay Melai.

Nagbigay din ng birthday message sa pamamagitan recorded video  ang mga kaibigan ni Melai na sina Robi Domingo, Francine Diaz, Enchong Dee, Judy Ann Santos at direk Lauren Dyogi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din siyempreng video message para kay Melai ang kanyang mga anak at mga magulang.

Melai lucky charm nina Toni at Alex: Sobrang swerte ko na naging friends ko sila!

Bakit sina Maymay at Melai ang paboritong PBB housemates ni Robi?

Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending