Gela Atayde pinuri ni Robi bilang TV host: Yung puso niya, grabe!
IN fairness, bagay na bagay sa tinaguriang New Gen Dance Gem na si Gela Atayde ang latest survival reality show ng ABS-CBN na “Time to Dance”.
Si Gela ang maswerteng napili ng mga bossing ng Kapamilya Network na maging host ng naturang programa kasama ng seasoned Kapamilya host na si Robi Domingo.
Sa nakaraang mediacon ng show last Thursday, January 16, ikinuwento ni Gela ang rason kung bakit ginawa ang “Time To Dance.”
“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, yung mga sobra.
Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez super proud nanay sa pagrampa ni Gela Atayde sa fashion show; Dulce, Ima Castro, Wency walang kupas
“Here in Time To Dance, I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. Nabuo ang “Time To Dance” because of the heart and passion na nakita nila sakin,” pahayag ni Gela.
Nabanggit din ni Gela ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga mananayaw na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad.
Naibahagi rin niya na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.
View this post on Instagram
Samantala, pinuri naman ni Robi ang hosting skills ni Gela, na kahit isang first-time host ay nagpakita na ng galing sa pagiging host sa kanilang show.
“Kitang-kita kay Gela yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin yun sa kanya,” ani Robi.
“I am so proud of her. Yung puso ni Gela grabe. Umiiyak every may elimination, iiyak na naman si Gela. But its how she shows her heart,” aniya pa.
Ang “Time To Dance” ay ang bagong dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios na nagsimula na kahapon, January 18 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Binigyang-diin din ng direktor ng “World of Dance Philippines” na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng “Time To Dance” na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. Sinabi niya rin na ang show ay “more than just a competition.”
Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community.
Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.
Sino kaya ang magpapakita ng gigil at galing at magiging kauna-unahang grand winner ng “Time To Dance”? Abangan sa pinakabagong dance survival reality show na “Time To Dance”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.