Sylvia Sanchez super proud nanay sa pagrampa ni Gela Atayde sa fashion show; Dulce, Ima Castro, Wency walang kupas
SUPER proud nanay ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez nang rumampa sa isang fashion event ang anak na si Gela Atayde.
Yes, hindi lang sina Cong. Arjo at Ria Atayde ang umeeksena ngayon sa entertainment industry kundi pati na rin si Gela na isa na ngayong napalagaling na dancer.
In fairness naman sa mga anak ni Ibyang, talagang ipinanganak silang may kakambal na talento kaya may karapatang ibandera ng premyadong Kapamilya actress ang achievements ng mga ito.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account, ibinahagi ni Sylvia ang mga litrato at video ni Gela na kuha sa unang pagrampa nito sa isang bongganh fashion bilang model-endorser ng isang sikat na local clothing brand.
View this post on Instagram
Ani Sylvia sa kanyanh caption, “To my dearest Gelatin—it was my honor to be with you in your first mainstream runway!
I cheer you on — all the way!
“This is just the beginning. I love you my Gelatin,” sabi pa ng aktres gamit ang mga hashtag #benchfashionweek2022, #proudmom ni @ataydegela, #blessing at #thankuLORD.
Si Gela ang ikatlong anak nina Sylvia at Papa Art Atayde. Ang kanilang bunso na si Xavi ay binatilyo na rin at napakatangkad na bata. In fairness, pwedeng-pwede na ring mag-showbiz ang bagets pero mukhang wala pa itong hilig.
* * *
Napakaengrande at maituturing na wedding of the year ang renewal of vows ng celebrity entrepreneurs na sina Pedro at Maria Cecilia Bravo ng Intele Builders and Development Corporations na ginanap last Sept. 22 sa Santuario de San Jose, Las Casas Filipinas de Acuzar, Bagac Bataan.
Mahigit 400 katao ang kanilang naging espesyal na panauhin mula sa kanilang pamilya, employees at malalapit na kaibigan na ang iba ay galing pa sa ibang bansa.
Ang kanilang entourage ay binubuo nina Rev. Alexander Muana-Pari, Hazel Amante-Magulang, Hon. Rodel dela Cruz, Engr. Lunio Sina, Benjamin Montenegro, Erlinda Sanchez, Leota Saldana, Aurora Apuada — ninong at ninang.
Sina Isagani Acuesa, Raoul Barbosa, Catherine Sicam, Maria Cristina Williams – bestman and matron of honor; Jeru Bravo, Anthony Serrano, Edwin Salazar, Christian Tria, Ralph John Pascual, Karen Galve, Mariel Serrano, Maricel Salazar, Daphne Tria, Anna Lizza Pascual — groomsman at bridesmaids; Mathew Bravo at Margarette Salazar (candle); Miguel Bravo at Jhoanna Bucas (veil); Atty. Christian Ryan Corbe at Maricris Bravo (cord), Mark Lua at Michael Angelo Luna (ring bearers), Gerard Seranno, (Bible bearer); Dylan Pascual (coin bearer); Eliana Camille Tria at Margarette Alfonso – flower girls.
Ang mga umawit naman sa kasal ay ang former vocalist ng After Image na si Wency Cornejo, former “Miss Saigon” star Ima Castro at ang Timeless Diva na si Dulce na wala pa ring kakupas-kupas sa pagpe-perform.
Nagkaroon din ng grand fiesta reception sa Plaza Belmonte ng Las Casas, kung saan umawit sina Ima Castro, Dulce, Japan Pinay International singer Jos Garcia, Benjamin Montenegro at Xiantell na naghandog ng isang wedding dance. Si John Nite naman ang nagsilbing host.
Pagkatapos ng kasal ay nag-celebrate naman kinagabihan ng kanyang 70th birthday si Don Pedro na ginanap sa Hotel de Oriente ng Las Casas, na may temang 70’s na nagsimula sa isang bonggang fireworks display with Pyro dancer Alab Poi with live performances from La Familia Band, Wency Cornejo and his Band, Gigi de Lana at Joey Generoso ng Side A Band.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.