Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin 'yung milyon niya Bandera

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Therese Arceo |February 25,2022
share this

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Therese Arceo - February 25, 2022 - 11:08 AM

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin 'yung milyon niya

INAMIN ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez na marami silang natatanggap na batikos mula sa madlang pipol dahil sa pakikipagrelasyon ng aktor kay Maine Mendoza.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz ay natanong ang beteranang aktres kung ano ang kanyang masasabi sa mga kumakalat na chika na ginagamit lamang daw ng kanyang anak si Maine.

Kwento ni Sylvia, bago pa man pasukin ni Arjo ang pulitika ay madalas na itong sinasabi ng mga tao sa anak pero pinagkikibit balikat na lang nila at tinatawanan.

“Actually, hindi pa tumatakbo si Arjo, binato na yan sa anak ko eh. Pinagtawanan na lang ng anak ko yun eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career. Hindi raw kami sikat,” paglalahad ni Sylvia.

Dagdag pa niya, humingi ng paumanhin sa kanila ang dalaga dahil nga sa mga pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya buhat nang aminin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.

“Alam mo mare, sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry.’ Kasi yun nga, sinasabi na ginagamit,” pagpapatuloy ni Sylvia.

Marami pa rin kasi ang hindi matanggap na hindi nagkatuluyan si Maine at ang kanyang ka-love team noon na si Alden Richards na tinawag na AlDub (Alden at Yaya Dub). Ilang milyon rin kasi ang talagang sumubaybay sa kanilang pagsasama na nagsimula sa “Eat Bulaga”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

“Ang habol daw namin kay Maine yung milyon niya, yung pera niya, yung McDo niya. Yung ganun na paninira,” muling saad ni Sylvia.

Kinontra naman ni Ogie ang mga sinabi ni Ibyang at sinabing mayaman rin naman ang pamilya ni Sylvia.

Giit ng beteranang aktres, balewala lang sa kanila ang sinasabi ng tao dahil ang importante ay ang kanilang samahan at alam ni Maine ang tunay na intensyon ni Arjo sa kanya.

“Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan. Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganun ang paniniwala mo sa amin. So okay na kami dun, masaya na kami.’ Ang importante si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” sey pa ni Sylvia.

Ikinuwento rin ng aktres kung gaano inaalagaan ni Arjo ang kanyang girlfriend.

Ayaw daw nitong isama si Maine sa mga kampanya dahil nais niya itong protektahan. Isa pa, ayaw rin niyang sabihin ng mga tao na kaya lang siya nanalo ay dahil ginamit niya si Maine at hindi dahil sa kanyang effort at kayang ibigay para sa mga mamamayan na kanyang paglilingkuran.

Kasalukuyan kasing tumatakbo sa pagka-congressman si Arjo sa District 1 ng Quezon City.

Related Chika:
Maine: Parang lahat po ng ginagawa ko sa buhay ko, kinakabahan ako!
Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending