Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw | Bandera

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Ervin Santiago - October 26, 2021 - 04:42 PM

Sylvia Sanchez at Arjo Atayde

KONTRA ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa pagtakbong congressman ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa darating na May, 2022 elections.

Ito ang diretsahang inamin ng Kapamilya actress nang matanong tungkol sa naging desisyon ng kanyang anak na international best actor na sumabak na rin sa magulo at maintrigang mundo ng politika.

Nakachikahan ng mga members ng entertainment press si Sylvia kagabi sa virtual mediacon ng ABS-CBN para sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang hit series na “Huwag Kang Mangamba.”

At isa nga sa mga naitanong sa kanya ay ang kandidatura ni Arjo bilang kongresista sa 1st District ng Quezon City.

Dito, sinabi nga ni Ibyang na isa sa mga dahilan ng anak sa pagtakbo sa congress next year ay ang pagpapasara sa ABS-CBN at ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa network.

“Actually kung ako ang tatanungin, ayaw ko (pasukin ni Arjo ang politika). Alam ng anak ko ‘yun at alam ni Enchong (Dee, co-star niya sa Huwag Kang Mangamba). Nag-uusap kami diyan ni Enchong. 

“Ayaw ko pero gaya nga ng sabi ko, anak ko ‘yan eh. Wala akong magawa kung hindi suportahan na lang ang anak ko. Iga-guide ko na lang nang mabuti ang anak ko para hindi naman maligaw,” katwiran ng aktres.

Patuloy pa niyang paliwanag, “Kapag pinalad, pinagkatiwalaan ng mga tao, nakapuwesto, iga-guide naming mag-asawa para hindi naman masusulsulan and hindi naman maliligaw. Kabado, yes, pero suporta, 1,000%.”

Sabi pa ng premyadong aktres, bata pa lang ay talagang gusto na ni Arjo ang magsilbi sa publiko, ngunit mas tumindi pa ang pagnanais ng binata na makapaglingkod matapos ang ABS-CBN shutdown last year.

“High school pa lang siya talaga nagsasabi na siya, ‘Gusto kong manungkulan, mommy. Gusto kong tumulong.’ Sabi ko, ‘Makakatulong ka naman kahit wala ka sa puwesto.’ Sagot niya, ‘Mas makakatulong ako kapag nasa puwesto ako, mommy,'” pahayag pa ni Sylvia.

Dugtong pa ng nanay ni Arjo, “Okay na ‘yun eh, nanahimik na siya noon. Hanggang nang magsara ang ABS. Doon siya talaga… ‘yun ‘yung ang pinakatalaga nalungkot siya.

“Nagalit siya, nalungkot siya para sa lahat ng Kapamilya, sa mga kaibigan sa loob, mga Kapamilya natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. ‘Yun talaga ang isa sa pinaka rason din niya,” lahad ni Sylvia.

“At magandang rason ‘yun kasi sabi nga niya, ‘Ma, ang daming naghihirap. Ang daming kawawang Kapamilya. Gusto ko lang silang tulungan.’ 

“So nakikita niya ‘yung paghihirap ng lahat kaya mas pursigido siya na tumakbo. Yes, because of ABS kaya tatakbo si Arjo. Isa iyan sa reasons,” diin pa niya.

https://bandera.inquirer.net/295715/arjo-ayaw-idamay-sa-gulo-ng-politika-si-maine-sylvia-atat-na-atat-nang-magkaapo

* * *

Samantala, speaking of “Huwag Kang Mangamba” nanganganib ang misyon nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) kay Bro dahil sa lumalaking sigalot sa pagitan ng mga nanampalataya at mga nagbubulag-bulagan.

Magawa kaya nilang pagbuklurin ang buong Hermoso at ibalik ang pananalig ng mga tao kay Bro para masimulan na ang paghihilom ng bayan?

Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng Kapamilya inspirational series na “Huwag Kang Mangamba” sa Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at iflix.

Mahihirapan sina Mira at Joy sa misyon nila dahil tuluyan nang mahihibang ang pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at aangkining siya talaga ang totoong diyos. Idadaan din ni Deborah sa karahasan ang paghihiganti laban sa magkapatid at lahat ng taong kumakalaban sa kanya.

Ngunit bago ito, dadaan sa matinding pagsubok ang samahan nina Mira at Joy dahil patuloy na lalayo ang loob nila sa isa’t isa. Dahil nararamdaman ni Joy na wala siyang kakampi, tatalikuran niya si Mira at aanib sa kulto ni Deborah.

Kailangan ding makahanap ng grupo nina Mira at Joy ng matibay na ebidensyang magpapatunay na ginagamit ni Deborah ang posisyon niya para magpayaman sa pamamagitan ng mga iligal na gawain kasama ang mayor na si Miguel (RK Bagatsing).

Maipakita kaya nina Mira at Joy ang liwanag sa mga taga-Hermoso? Matupad kaya nila ang misyon kay Bro na maibalik ang pananampalataya ng mga tao kay Bro?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285337/arjo-atayde-tatakbo-sa-eleksyon-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending