Alden spotted sa 30th birthday party ni Maine, AlDub fans nagpiyesta

Maine Mendoza, Alden Richards at Jessah Chichirita
IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens sa pag-attend ni Alden Richards sa 30th birthday celebration ni Maine Mendoza kahapon, March 3.
In fairness, tuwang-tuwa ang mga loyal AlDub fans nang mabalitaan ang nangyaring reunion nina Alden at Maine sa naturang party.
Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang AlDub Nation sa kabila ng katotohanang may asawa na si Maine (si Cong. Arjo Atayde) habang single pa rin si Alden until now.
Para sa mga die hard fans nina Maine at Alden, magandang senyales daw ito na hindi na imposibleng magkatrabaho uli ang dalawa, lalo pa’t napakalakas pa rin ng clamor para sa AlDub reunion project.
Balitang wala naman daw awkwardness sa pagitan nina Maine, Arjo at Alden nang magkita-kita sila sa party. E, kasi nga raw, nauna nang nagkasama-sama ang tatlo sa kasal ni Jose Manalo ilang buwan na ngayon ang nakararaan.
Wala pa kaming nakitang pictures sa social media na magkasama sina Alden at Maine, ang tanging na-sight namin ay ang magkahiwalay nilang litrato na ipinost ng komedyanang si Jessa Chichirita sa Instagram.
Nakasama ni Maine ang aktres sa dati nilang comedy show ni Vic Sotto sa GMA 7 na “Daddy’s Gurl.”
May photo rin si Jessa Chichirita sa iba pang bisita ni Maine kabilang na ang iba pa nilang co-stars sa naturang programa, like Oyo Sotto kasama ang asawang si Kristine Hermosa. Naroon din sina Ciara Sotto, Maja Salvador at marami pang iba.
View this post on Instagram
Bukod kay Alden, present din sa birthday party ni Maine ang iba pang “Eat Bulaga” Dabarkads.tulad nina Bossing Vic and wife Pauleen Luna.
Hindi nakadalo sa birthday celebration ni Maine ang isa pang original Dabarkads na si Joey de Leon. Pero nagpadala naman ito ng regalo kay Maine.
Ibinahagi pang Henyo Master sa Instagram ang gift niya para kay Maine, isa itong painting ng isang clown. Sey ni Tito Joey sa caption, “This is my gift to the Birthday Girl Maine — a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots).
“Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!”
Comment naman ni Maine, “Thank you, Boss Joey! Love you.”
Samantala, kung nagpiyesta ang AlDub fans, marami rin ang nangnega sa pagpunta ni Alden sa party ni Maine. Sana raw ay hindi na lang ito dumalo dahil feeling nila, ginagamit lang ng aktor ang dati niyang ka-loveteam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.