Sylvia babalik sa pag-arte sa 2023, kakaririn muna ang pagiging producer; bakit nga ba present sa Cannes 2022? | Bandera

Sylvia babalik sa pag-arte sa 2023, kakaririn muna ang pagiging producer; bakit nga ba present sa Cannes 2022?

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 07:41 AM

Ria Atayde, Art Atayde, Sylvia Sanchez at Arjo Atayde

NANGAKO ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na babalik na siya sa larangan ng pag-arte pagpasok ng 2023.

Sa mga susunod na buwan ngayong taon, magpo-focus muna siya sa pagiging producer kasabay ng pagtulong at pag-alalay sa kanyang anak na si Arjo Atayde na nagsimula nang magtrabaho bilang kongresista.

Ayon kay Ibyang, isa sa mga rason kung bakit nagtungo siya sa France last May ay para um-attend sa Cannes 2022 Film Festival kung saan nakasama niya si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino-Seguerra.

Marami ang nagtaka nang makita siya sa ilang events ng Cannes 2022 at inakala nga ng kanyang supporters na may pelikula siya na ipinalalabas o lumalaban doon. Paglilinaw ng premyadong aktres, naroon siya para mag-observe at makahanap ng connections bilang producer.

“Gusto ko kasing mag-produce ng pelikula na papatok sa international. So, para magawa ko iyon, kailangan kong magpunta roon para malaman ko kung ano ang in o ‘yung talagang tinatangkilik ngayon sa international.

“Naroon din ako para ibenta iyong pelikula ni Arjo na ‘Hey, Joe,'” sabi pa ni Sylvia na ang tinutukoy ay ang movie ng actor-public servant with Joel Torre, Mon Confiado at Nova Villa sa direksyon ni Avel Sunpongco.

Pahayag pa ng nanay nina Arjo at Ria Atayde, “Kung papasukin ko kasi ang pagpo-produce, siyempre kailangan ko may knowledge ako sa kung ano ba ang iyong mga pelikulang mas magandang iproduce.
“Hindi naman pwede iyong basta-basta lang ako gagawa ng pelikula na hindi ko alam kung magugustuhan ba iyon ng manonood,” paliwanag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)


Kaya nga nagpahinga muna si Sylvia sa paggawa ng teleserye dahil gusto niyang tutukan ang pagpo-produce. Sa katunayan apat na pelikula na ang ginagawa nila. Dalawa ang pelikula ni Ria, ang “X Factor” at “Langit Lupa Impiyerno”.

“Iyong X Factor kasama ni Ria sina Carlo Aquino at Jake Ejercito. Tapos ‘Yung Langit Lupa Impiyerno’ gagawin pa lang at makakasama niya rito sina Kokoy de Santos at Kyle Echarri under Nathan Studios,” kuwento pa ng aktres.

In fairness, nakakahinga na ngayon nang maluwag si Sylvia dahil tapos na ang eleksyon at naipanalo na nga nila ang kandidatura ni Arjo  bilang kongresista ng District 1 ng Quezon City.

“Nakakapagod pero siyempre sobrang proud ako sa pagkapanalo ng anak ko. Sulit ang pagod namin. Talagang itong si Arjo kapag may ginusto, nakukuha niya. Bulls-eye talaga.

“Noong sinabi niyang gusto niyang maging artista, naging artista siya at hindi lang basta artista, naging magaling na artista siya na sa unang serye niya kinilala agad ang husay niya tapos sa unang movie nagka-award siya, tapos itong unang pagpasok niya sa politika, nanalo siya.

“Blessed talaga si Arjo kasi mabait siyang bata, hindi dahil sa anak ko siya kasi talagang nasa puso niya ang pagtulong. ‘Di ba nga sabi niya ayaw niyang maging politiko, gusto niyang maging public servant,” chika pa sa amin ni Ibyang.

https://bandera.inquirer.net/296354/sylvia-kontra-sa-pagtakbo-ni-arjo-sa-2022-pero-iga-guide-ko-na-lang-para-hindi-masulsulan-at-maligaw

https://bandera.inquirer.net/317928/tuwang-tuwa-ako-na-nasampal-ako-ng-isang-jaclyn-jose-cloe-barreto

https://bandera.inquirer.net/283291/marian-gagawa-lang-uli-ng-serye-sa-1-kundisyon-dingdong-gusto-pang-humirit-ng-2-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending