Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko | Bandera

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 07:30 AM

Heart Evangelista

FEELING ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista hinding-hindi siya yayabang at mas lalong wala raw chance na lumaki ang kanyang ulo.

In fairness naman sa misis ni Gov. Chiz Escudero, hindi lang siya dito sa Pilipinas sikat na sikat kundi pati na rin sa iba’t ibang bansa lalo na pagdating sa mundo ng fashion.

Palaging nahe-headline ngayon si Heart matapos magmarka at gumawa ng eksena sa mga naging paandar at pasabog niya sa katatapos lamang na Paris Fashion Week 2022.

Talagang in na in na siya ngayon sa global fashion industry, lalo na nang maging bahagi siya ng French fashion house na Dior at ang mga agaw-eksenang moments niya with international celebrities Christian Louboutin and Kevin Kwan.

Sa isang panayam, natanong nga si Heart kung hindi ba pumapasok sa utak niya ang lahat ng tagumpay at kasikatan na tinatamasa niya ngayon here and abroad.

“Sa totoo lang, nakakabulabog siya. Pero siguro sa dami ko ring pinagdaanan sa showbiz, nasipa na ako, ang dami ko nang letdowns and everything.

“At this point, I don’t think I will ever get to a point in my life na yayabang ako because I’m just so grateful. Sobrang thankful,” paliwanag ng aktres at style icon.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Aniya pa, “Doon lang masaya na ako, everything else in excess. Kahit ako, hindi ako makapaniwala, so I don’t think na papasok siya sa utak ko, kasi it’s a dream.”

Inamin din niya na “very overwhelming” ang natatanggap niyang reaksyon at papuri sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week 2022.

“I’ve been attending Paris Fashion Week for five years now, and this trip, I feel na will be one of my favorite trips kasi ngayon lang nanganak lahat ng seeds na na-plant ko,” sabi pa ni Heart.

Tungkol naman sa pagiging bahagi niya ng Dior fam, “I’ve been doing it for a long time, but it’s my first time to be a part of the Dior family. Hindi ko in-expect. Hindi naman din ako ‘yung tipong artista na ang dami dami kong fans.

“Naging proof din siya sa akin na you just have to stay authentic and real. Kikay talaga ako and may narating ang pagkakikay ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I really do promote expressing your individuality and how far it can take you,” diin pa ng “I Left My Heart In Sorsogon” lead actress.

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending