Robi Domingo: Kahit anong mangyari may ABS-CBN pa rin

Robi Domingo: Kahit anong mangyari may ABS-CBN pa rin

Therese Arceo - July 05, 2024 - 11:54 PM

Robi Domingo: Kahit anong mangyari may ABS-CBN pa rin

PROUD na proud na ipinagsigawan ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na nananatiling may ABS-CBN pa rin sa kabila ng mga pinagdaanan ng kumpanya.

Nitong Huwebes, July 4, ginanap ang media conference para sa pagbabalik ng reality show na “Pinoy Big Brother Gen 11” kung saan kabilang siya sa mga magsisilbing hosts ng naturang programa.

Makakasama ni Robi sa pagbabalik ng “PBB” sina Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee, at Alexa Ilacad.

Dito ay nausisa ang mga hosts kung ano ang kanilang gagawin para mapaalalahanan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang tao na ginagamit ang kanilang reality show para makapangloko ng ibang tao.

Baka Bet Mo: Robi Domingo, Gretchen Ho muling nagsama para sa hosting gig

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Maliban sa paggamit ng platform para makatulong, I guess constant reminder to everyone lang na hindi po nagpapabayad ‘yong ABS-CBN when it comes to auditions,” sagot ni Robi.

Parehas rin ito sa sagot ni Melai kung saan sinasabi niya sa madlang pipol na walang bayad ang pag-o-audition sa PBB tuwing nagkakaroon siya ng mall shows.

Para naman kay Bianca, “Usually naman, ‘yong official account makakakita kayo ng blue na check. At kung hindi pa rin, mas magtanong kayo sa ibang tao kasi kung mayro’n nang pinapagawa na something na medyo hindi maganda ‘pag tinanong mo ‘yan sa ibang tao makakatulong sila na ‘huy, hindi ‘yan totoo. Fake ‘yan.”

Sinang-ayunan naman ito ni Robi.

Dagdag pa niya, “Saka, ano, check ‘yong television sets. Kasi kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin.”

Nag-react naman ang isa sa mga entertainment press na si Jun Lalim sa naging pahayag ni Robi.

Mukhang naisip nito na baka may ibig ipakahulugang iba ang TV host.

“Huy, Robi, baka sabihin may pinaparinggan kang aktor, ha,” sey ni Jun.

Tila natigilan naman ang Kapamilya host at parang nagulat sa kanyang nasabi.

To the rescue naman si Melai sa kaibigang si Robi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sumagot lang naman siya doon sa kuwan, sa legit na mga kuwan,” saad ni Melai.

Dinipensahan rin ni Robi ang sarili at itinangging may pinariringgan ito.

“Wala po akong pinaparinggan, sinasagot ko lang po ‘yong tanong,” sagot ni Robi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending