Melai todo suporta sa isang labor party-list: Para sa mga deserved na benepisyo!

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco
HINDI nagpapahuli ang aktres-comedienne na si Melai Cantiveros pagdating sa pagsuporta sa mga adhikain na malapit sa puso niya!
Opisyal kasi niyang ineendorso ang labor-based party-list group na Trabaho para sa darating na 2025 midterm elections.
Bumida si Melai sa campaign sortie ng Trabaho na ginanap sa Tarlac nitong weekend kasabay ng Kanlahi Festival, na mapapanood sa isang Facebook post.
Todo energy siyang sumakay sa float ng party-list kasama ang kanilang nominee na si Atty. Johanne Bautista.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre suportado si Leila De Lima, ML party-list: ‘May laban tayo!’
Siyempre, hindi mawawala ang kanyang kakaibang charm at good vibes habang pinasaya niya ang mga Tarlaqueño!
Ang Trabaho Party-list, na No. 106 sa balota, ay may layuning magreporma ng labor laws upang bigyan ng mas maraming benepisyo ang mga manggagawa, lalo na ang mga mababa ang kita.
“Congratulations sa inyo, mga Tarlaqueños, dahil nandito ang 106 TRABAHO para sa inyong mga deserved na benepisyo!” bahagi ng sinabi ni Melai sa nasabing kampanya.
Bukod kay Melai, kabilang din sa mga celebrity endorsers ng iba’t ibang party-list si Nadine Lustre at ang National Artist na si Nora Aunor.
Si Ate Guy ay kamakailan lang nag-withdraw bilang second nominee ng People’s Champ Party-list upang suportahan ang Kabayan Party-list.
Samantala, si Nadine naman ay sumuporta sa Mamamayang Liberal Party-list na kung saan first nominee si dating Senador Leila De Lima.
Samantala, pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na dapat nilang ideklara sa kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SoCE) ang anumang endorsements mula sa celebrities at social media influencers—bayad man ito o donasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.