Melai bilang bagong host ng ‘PGT': Wala sa wildest dream ko!

Melai Cantiveros bilang bagong host ng ‘PGT’: Wala sa wildest dream ko!

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 12:56 PM

Melai Cantiveros bilang bagong host ng ‘PGT': Wala sa wildest dream ko!

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

HINDI makapaniwala ang actress-comedienne na si Melai Cantiveros na magiging host siya ng upcoming new season ng “Pilipinas Got Talent” o PGT.

Ito ay matapos ibandera ng mismong PGT sa social media accounts noong Huwebes, February 20.

Ang makakasama riyan ni Melai ay ang TV host na si Robi Domingo na first time ding magho-host ng show.

Sa Instagram, inamin ni Melai na never niyang naisip na mangyayari ito sa kanyang buhay kaya laking pasasalamat niya sa Diyos na ma-e-experience niya ito.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros nakauwi na sa bansa kasama ang buong pamilya mula sa Korea trip

“And yes kami na nga at wala narin kayong magagawa naka-advance payment na kami char lang,” bungad na biro ng aktres.

Sey niya, “Wala sa wildest dream ko na maging host ako sa PGT pero talagang plinano ni Lord na ma-try ko ito.”

Kasunod niyan ay pinasalamatan niya ang lahat ng naniniwala sa kanya at nangakong gagawin niya ang “best” niya.

“Thank you sa mga naniniwala na makakayanan ko ‘to at sa mga ‘di naniniwala thank you din sa pasensya niyo na mapagtitiisan ako [smiling, heart fingers emojis] dahil medyo mahaba-haba pa ‘to hehehehe Char lang,” wika niya.

Aniya pa, “Lord guide me and Robi and kagaya ng sinabi ko, I will try my best and God will do the rest [folded hands emoji].”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Sa comment section, maraming kapwa-artista ang nagpaabot ng “congratulatory” messages kay Melai.

Kabilang na riyan sina Bianca Gonzalez, Regine Velasquez, Gela Atayde, Fifth Solomon, Nonong Ballinan, at marami pang iba.

“Proud of you sobra at deserve na deserve mo ‘to. Love you both! Cheering for you always!!!!” komento ni Bianca.

Lahad naman ni Regine, “Congratulations, day!!!!!!! We are so proud of you [red heart emoji].”

Magugunita noong nakaraang buwan, inanunsyo ng PGT na magkakaroon sila ng auditions sa Manila.

Kahit sino raw ay pwedeng sumali –solo, duo o kahit group performance, at walang age limit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, taong 2018 nang huling umere ang PGT na ang itinanghal na winner ay si Kristel de Catalina, ang spiral pole dancer mula Antipolo, Rizal.

Samantala, unang emere ang show noong 2010 at ang nagwagi riyan ay ang yumaong singer na si Jovit Baldivino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending