Melai Cantiveros nakauwi na sa bansa kasama ang buong pamilya mula sa Korea trip
NASA Pilipinas nang muli ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros kasama ang kanyang buong pamilya matapos ang ilang linggong pamamalagi nila sa South Korea.
Sa kanyang Instagram page ay nagbigay siya ng update sa kanyang mga followers na nakauwi na sila ng bansa.
“Kamsamiiiiiiiii Lord sa safe na travel from Korea to [Philippines]. [Siyempre] napagtagumpayan namin ang pagbyahe ng may Kids , Senior Citizen with bagahe na umaAnyeong sa dami,” nakakatawang caption ni Melai.
Dagdag pa niya, balik trabaho na ulit siya sa kanyang mga Kapamilya shows gaya ng “Magandang Buhay” at “Ur Da Boss”.
Matatandaang marami sa mga netizens ang talagang tutok na tutok sa naging Korea trip nina Melai, Jason, Mela, at Steya dahil sa aliw na kulitan ng mga ito sa kanilang mga videos at Instagram stories.
Bukod sa pamamasyal ng “Kamsamiii” family ay lumipad ang “Pinoy Big Brother: Double Up” Big Winner ay nagpunta sila ng Korea para mag-shoot ng pelikula sa ilalim ng Korean production Crew.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’
View this post on Instagram
Base sa mga gamit na hashtag ni Melai ay mukhang “Ma’am Chief” ang pamagat ng pelikula. Bukod rito ay wala nang ibang detalyeng nabanggit ang “Magandang Buhay” host ukol rito pero palagi siyang may mga behind-the-scenes update sa kanyang Instagram page.
Isa rin ito sa mga kinaaliwan ng mga netizens dahil maging ang mga Korean ay game na game sa kalokohan niya.
Matatandaang nag-trending sina Melai at ang pamilya nito dahil sa masasayang kulitan nilang mag-iina sa Korea.
Tinawag na “Kamsamiii” ni Melai ang mga viewers dahil ito ang madalas na sabihin niya sa mga videos na mula sa Korean word na “Kamsahamnida” o ang ibig sabihin ay “thank you”.
Marami nga sa mga netizens ang nag-request na magkaroon ng travel show ang mag-anak dahil talagang nakakaaliw ang pagiging natural ng mga ito.
Related Chika:
Melai nagsisimba pa rin kahit nasa ibang bansa, netizens saludo: ‘Very good example, keep it up!’
Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.