Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: 'Bigyan ng sariling show yarn!' | Bandera

Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’

Therese Arceo |July 21,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’

Therese Arceo - July 21, 2023 - 01:39 PM

Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: Bigyan ng sariling show yarn!
TALAGA namang good vibes ang hatid ng Kapamilya TV host at comedienne na si Melai Cantiveros kasama ang mga anak nitong sina Stela at Mela.

Sa katunayan, marami sa mga madlang pipol ang nakatutok ngayon sa mga Instagram stories na ibinabahagi ng “Pinoy Big Brother: Double Up” big winner dahil sa sayang hatid nito.

Kasalukuyang nasa South Korea si Melai kasama ang kanyang makukulit na chikiting na sina Stela at Mela, asawang si Jason Francisco, pati ang ina nito.

Given naman na talagang “happy pills” ang mag-iina sa social media ngunit ibang level ng happiness ang naging hatid ng mga ito habang namamasyal sa South Korea.

Marami na ring mga videos mula sa Instagram stories ni Melai ang nag-trending sa social media gaya na lamang ng pangdo-dogshow ng mag-iina sa isa’t isa at ang mga kwela at natural na banat ni Melai sa tuwing namimili o mag-iikot sila sa lugar.

Agad na ngang nakapag-build ng community ang mga viewers ng “Magandang Buhay” host at ang tawag sa kanila ay Barangay Kamsamnida na madalas sabihin ng komedyana sa kanyang IG stories.

Baka Bet Mo: Melai nagsisimba pa rin kahit nasa ibang bansa, netizens saludo: ‘Very good example, keep it up!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman hindi na kataka-taka ang hiling ng mga netizens sa management ng ABS-CBN na magkaroon ng sariling travel show so Melai kasama ang mga anak nitong sina Mela at Stella.

“PETITION TO PRODUCE A REALITY SHOW FOR MELAI AND HER FAMILY!!! HELLO ABS-CBN??? HELLO STAR MAGIC???” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “A Melai Travel Show with Mela and Stella will end KMJS in a second TRUST!!!!!!! nakakaloka mga IG stories ni Melai dinodogshow mga koreano di na ako makahinga kakatawa. Like si Mela at Stella talaga yung nepo babies na exempted sa privilege narrative kasi no other celebrity mom can film their daughters in an ordinary day, while teaching them how to fold their panties.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“PWEDE BANG BIGYAN NA NG SARILING SHOW SINA MELAI AND FAMILY LIKE KEEPING UP WITH THE CANTIVEROSES?!?!?! COZ SWEAR SHE AND HER FAM ARE EFFORTLESSLY FUNNY,” hirit naman ng isa.

Nakarating naman sa “Magandang Buhay” host ang request ng mga netizens dahil na rin sa dami ng mga nagme-message sa kanya ukol rito.

Sa pamamagitan ng isa ring IG story ay nagpasalamat naman si Melai sa suportang natatanggap mula sa maslang pipol.

“Salamat sa inyong kuwan [suporta]. Nakakahiya naman ako sa inyo. Maraming nag-message sa akin na mga friends ko… pero thank you so much. Thank you. Kamsahamnida.

“Magpasalamat tayo sa kanila dahil nagwa-watch daw sila sa atin, Ste[la],” saad ni Melai.

Habang nagpapasalamat ang komedyana ay ibinuking siya ng anak na pinagalitan ng may-ari ng laundry shop na kanilang pinuntahan dahil nabasa ang kanilang shop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon rin sa kaniyang IG story ay magiging busy si Melai dahil may shooting ito para sa kanyang bagong project ngunit hindi na niya idinetalye pa kung ano ito.

Sa ngayon, sabay sabay nating antayin kung tutuparin nga ba ng Kapamilya network ang sigaw ng netizens na magkaroon ang mag-anak ng sariling show na maghahatid ng good vibes sa mga manonood.

Related Chika:
Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending