PGT finalist Joven Olvido arestadong muli dahil sa ilegal na droga | Bandera

PGT finalist Joven Olvido arestadong muli dahil sa ilegal na droga

Therese Arceo - February 19, 2022 - 07:51 PM

PGT finalist Joven Olvido arestadong muli dahil sa ilegal na droga
ARESTADONG muli sa ikalawang pagkakataon ang dating “Pilipinas Got Talent” Season 6 third runner up na si Mark Joven Olvido o nakilala sa pagiging “vape master” sa naganap na buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa Laguna police report, naaresto so Joven sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, Sta. Cruz nitong Biyernes ng gabi, February 18.

Ilan sa mga nakuha ng pulis kay Joven ay ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 12.5 grams na nagkakahalaga ng P85,000.00 pati na rin ang marked money na P500.00.

Nagtatrabaho ito bilang isang tricycle driver nang mahuli ng pulisya.

Matagal na raw na nasa watchlist ang dating PGT finalist na nauna na ring maaresto noong Mayo 2021 sa parehas na kadahilanan.

Matatandaang isa si Joven sa mga nagmarkang contestants ng “Pilipinas Got Talent”.

Labis na hinangaan ang kanyang galing sa pagpapatawa ng mga huradong sina Angel Locsin, Robin Padilla, at Freddie “FMG” Garcia kaya naman hindi kataka-takang agwago ito sa nasabing patimpalak.

Bukod pa rito ay nakasama rin si Joven sa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin subalit hindi rin nagtagal ang kanyang role.

Naging bahagi rin ng pelikulang “Unli Life” (2018) at 3pol Trobol, Huli Ka Balbon!” (2019) si Joven.

Related Chika:
Dating PGT finalist arestado sa buy-bust operation ng PDEA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending